(Js Prom, Last Part) #part.2

1K 12 2
                                    

°

°

°

"Ang sama mo, ang sama sama mo!!" -- pasigaw kong sabi sa kanya.

Feeling ko bumalik ang lakas ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

°

°

Ngumiti sya, isang mapaglarong ngiti.

"Bakit, hindi ka ba natuwa sa laro ko? Hindi ka ba nasiyahan sa atensyon na ibinigay ni Josh, ha panget kong step sister hahaha".

°

°

"Alam mo bang tuwang tuwa pa si Josh sa larong naisip ko, kasi SISIW ka lang daw sa kanya. Sa PANGET mo daw na yan, madali ka nyang mauuto and tama nga naman sya hahaha! Ang bilis mong bumigay kapatid, tulad ng inaasahan ko hahaha"

°

°

"T-tama na! Gumagawa ka lang ng kwento, TAMA NA!!"

°

°

"Bakit, masakit bang tanggapin ang totoo?? Ayaw mong maniwala sa sinasabi ko?? Hmm, dahil sa mabait naman ako, gusto mo ibluetooth ko sayo yung video habang nagtatawanan ang buong P6 habang nagkukwento si Josh tungkol sayo?" -- sabi nya pa sabay labas ng cellphone nya.

°

°

Kinuha ko yung cp nya at saka ko tinapakan sa harap nya.

"SHIT! !" -- sigaw nya sa akin at saka tinapakan ang paa kong nakatapak sa cp nya.

°

°

Pero hindi ako umaray, hindi ko pinakitang nasasaktan ako sa pagtapak nya sa akin. Para saan pa? Para mas matuwa sya? HINDI, hindi na ko papayag na mas madagdagan ang kasiyahan nya.

°

°

"Bakit James? Bakit mo 'to ginawa sa akin? Anong naging kasalanan ko sayo?".

°

°

Nakaramdam ako ng takot nang tinignan nya ko ng nanlilisik nyang mga mata. Mas bumigat pa ang pagkakatapak nya sa akin, naputol na ang takong ng suot kong sandals.

°

°

"Hindi mo alam ha? HINDI MO ALAM?? Dahil sayo namatay ang dad ko!! Hindi mo na matandaan ha? Hindi na??!" -- hinawakan nya ko ng mahigpit sa magkabilang braso ko.

°

°

"Wala akong kasalanan, WALA!!" -- pasigaw kong sabi sa kanya.

°

°

"Wag mo kong gaguhin, nabasa ko ang lahat sa cp ni dad!!" -- itinulak nya ko, napatumba ako at napasalampak sa semento.

°

°

°

"And one more thing, GUSTO KONG MAWALA KA SA BUHAY NAMIN NI MOMMY! Mamatay ka na sanang panget ka!!".

°

°

Tinanaw ko na lang si James habang naglalakad sya palayo sa akin.

Pinagbibintangan nya ko sa kasalanang di ko naman ginawa. At ngayon, pinaparanas nya din sa akin ang GALIT na meron sya.

°

°

°

>> part.3

***

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now