Chapter Thirty-Six

38K 1.6K 487
                                    

He lied to me.

That's the only thing that my brain can process.

He lied to me. In front of my face. He's been lying to me the whole time. He lied about their real training schedule. Does that mean he's lying about his hectic schedule, too?

Hanggang saan ang kasinungalingan niya? What are the other lies that he fed me with?

I can't believe that Xavi lied to me. Hindi ako makapaniwala na kaya niya pa lang magsinungaling sa akin. Siya ang huling taong iisipin ko na mananakit sa akin nang ganito.

I knew he had the power to hurt me. I just never thought he'd yield it and intentionally inflict the damage.

Dumagdag pa ang sakit na nararamdaman ko dahil kay Gaia. Fuck. Why are they alone together?

He knows that Gaia is in love with him. He knows but he's still entertaining her. He knows that I hate it whenever she's around him... kaya bakit magkasama sila?

Is this the first time? Matagal na ba silang nagkakasama na silang dalawa lang? Bakit walang sinasabi si Xavi sa akin? What else is he hiding from me?

My irrational side wants me to approach them and lash out on Xavi. I wanted him to know that I saw him and I caught him lie. Ang tanging pumigil lang sa akin ay ang presensiya ni Gaia.

Anong iisipin niya sa oras na sumugod ako at bugahan sila ng apoy? It will be a dead giveaway of our relationship... kung may relationship pa ba.

I was bleeding inside and crying as I ran out of the gym. My vision was blurred and I didn't have any place in mind. I just wanted to get away from them.

I knew people were looking. I could feel their curious gazes. If I wasn't a mess, I would have been embarrassed but right now, I couldn't care less.

"Lavie?" A familiar male voice called.

Hindi ako tumitingin sa dinadaanan kaya hindi ko alam may nakaharang pala sa harapan ko. I clashed into a body. Nanghihina ako kaya madali akong napaatras. Matutumba na sana ako pero may kumapit sa magkabilang balikat ko para pigilan ako sa pagbagsak.

"Lavie, are you okay?" the person in front of me asked.

Inangat ko ang nanlalabong mga mata sa mukha ng taong nasa harapan ko. I am too hurt to even be surprised upon seeing Ryd in front of me.

"The hell? Why are you crying? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Ryd sa akin. Umiling-iling lang ako. Muling nagpatuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Lavie, sinong nagpaiyak sa'yo?" muling tanong ni Ryd.

Thinking of Xavi, I started sobbing outloud. I leaned in and buried my face against Ryd's chest. Marahas na suminghap si Ryd pero hinayaan lang ako sa ginawang pagyakap sa kanya.

"Shit, Lavie. Do you want me to call Xavi?" nag-aalalang tanong ni Ryd.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko sa pagkakabanggit sa pangalan ni Xavi. Umiling ako at mas diniinan ang pagkakayakap sa kanya.

"Alana..." I squeaked. Hanggang isang salita lang ang kaya kong sabihin. I can't speak. I'm too much of a wreck to complete even just a short sentence.

"You want Alana?" he confirmed, getting what I meant. I just nodded. Bumalik ang sakit ng ulo ko. I feel nauseous from all the crying.

"O-Okay. I'll call Alana."

Nagawang tawagan ni Ryd si Alana nang hindi kumakalas mula sa pagkakayakap ko. Nang mapakalma niya na ako nang kaonti ay dinala niya ako papunta sa hindi mataong lugar sa campus.

To Be LovedWhere stories live. Discover now