Chapter Eighteen

43K 1.8K 293
                                    

"Hurry, Ate! They're here!" sigaw ni Dashiel mula sa labas ng kwarto habang kinakalampag ang pinto.

I glanced at myself through the mirror for the last time. Inayos ko ang puting dress na may sunflower print. Maikli ito at offshoulder. Kinuha ko ang rosegold mirror sunglasses at isinuot. I let out a heavy sigh and walked to the bed. I picked up my shoulder bag and travel bag before heading towards the door.

Birthday ni Mommy bukas at ngayon na ang alis namin para sa birthday celebration niya. Hindi ko magawang maging excited para sa family trip dahil kasama ang mga Serrano. Not that I don't want to be with the Serrano's. It's just that... Serrano means Xavi.

I let out a heavy sigh again as I went out of the room. My heart jumped out of my chest when someone suddenly appeared in front of me. Sinundan iyon ng takot na nawala rin agad nang makita na si Hadeon lang 'yon.

"Ginulat mo ako r'on," nakatawang sabi ko. "Why are you here?"

"Ako na magbubuhat ng gamit mo, Ate," Hadeon offered and reached down for my travel bag.

My eyebrows lifted. I moved my bag away from him. "Hindi na, Hadeon. Magaan lang naman ito."

Umiling siya. "Kuya asked me to help you with your things. Yari ako kapag 'di ko ginawa."

My heart stupidly felt funny. Of course, Xavi has something to do with this. Kapag ganitong may outing kasama siya ay pumupunta siya sa kwarto ko para buhatin ang gamit ko. Hindi siya makalapit sa akin ngayon kaya kay Hadeon niya na lang inutos.

"Just tell him that I don't wanna let you carry my things."

"Ikaw na lang kaya ang magsabi, Ate Lavie..." He cringed, like just the mere thought of it was already causing him pain.

Like hell I would. Huminga ako nang malalim at matapos ay ibinigay sa kanya ang travel nag. I'll let it slide this time. Wala naman akong ibang magagawa.

Dashiel and the Serrano siblings were out of sight when Hadeon and I got outside. Sumasakay na sa van ang mga grandparents ko habang ang parents ko naman at sila Tita Savion ay nasa labas pa. Hinihintay atang makapasok muna kami.

Hadeon brought my bag to the other car. Dalawang sasakyan ang dadalhin. Ang isang SUV ay para sa mga gamit namin habang ang isa pang van ay sasakyan namin.

Hinintay ko muna si Hadeon para siya na ang mauna sa loob. Nang sumunod na ako ay na-realize kong isa iyong pagkakamali.

Hyon, Dashiel, and Zeno were situated at the back part of the van. Sumunod ay si Laurene na katabi ng bintana, si Hadeon at sa tabi niya ay si Xavi. There's still space at the back but that will mean I have to ask Xavi to move and let me pass.

That will most probably catch all of their attention. Automatic na sa lahat ng bagay ay magkatabi kami ni Xavi. Sanay na ang pamilya namin na palagi kaming magkadikit at hindi naghihiwalay kaya wala akong choice.

I can see him directly staring at me but he doesn't know that I'm doing the same dahil sa suot ko na sunglasses. Walang imik na umupo ako sa tabi niya na malapit sa bintana.

"Hi, Ate Lavie!" maligayang bati ni Hyon sa akin. 

As much as I don't want to move in my seat, I have to act normal. Nahagip ng mga mata ko si Xavi nang lumingon ako sa likod. Nakita ko na nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi ko iyon pinansin at tiningnan si Hyon.

Hyon's hair was tied up and she's wearing a cute yellow sundress. May matamis ang ngiti sa mga labi niya at maamo ang mukha. She's really the purest Serrano.

"Little Hyon, I missed you!" I chirped.

For the initial part of the ride, I pretended to be asleep to avoid unwanted conversation. Sa sobrang galing ko sa pagpanggap na tulog ay tuluyan na akong nakatulog sa kalagitnaan ng byahe.

To Be LovedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora