Kabanata 25

12.2K 183 0
                                    

Nagising ako sa amoy ng ospital at sa tunog ng makinarya.

"What happened to her, Lucas?:" narinig ko ang mariibg boses ng pinsan kong si Bea.

"Ano nanamang ginawa mo sa kanya! Fvck you, Lucas!" dinig kong dugtong ni Bea.

"Wala akong ginawa sa kanya, bea." Rinig kong mahinaong sagot ni Lucas kay Bea.

"Kung wala kang ginawa then tell me what happened! Bat sya nandito ngayon sa ospital? Alangan naman na nakikitulog lang sya dito diba?" sarkastikong wika ni Bea.

Gusto kong dumilt pero pakiramdam ko'y sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko. Pati na din ang katawan ko. Para akong nabugbog. Gumalaw ako ng kaunti at naramdaman ko ang sakit sa tiyan ko dahil sa simpleng galaw na ginawa ko.

"Tone down your voice, Bea. Baka magising mo si Leviathan." Malamig na boses ni Fourth ang narinig ko.

Naging tahimik ang buong kwarto dahil sa sinabing iyon ni Fourth. My eyes are still close. Waiting for the things that they are about to say.

"What happened to her, Lucas?" pormal na tanong ni Fourth.

"I just saw her running. Muntik ko ng mabangga. And when I came out to face her I saw her crying..." Lucas paused.

"Why is she crying then?" bakas ang pagdududa sa boses ni Bea.

"I don't know..."

Kumirot ang dibdib ko. Nag-init ang mga mata ko, nagbabadya ang mga luha na tumulo. Naalala ko na naman ang nangyari. Hindi ko na napigilan at tuluyan ng umagos ang luha sa aking mga mata. I try my best na hindi humikbi. Nakakapanghina ang mga naalala kong mga pangyayari kanina.

"She told me to take her out of that place. So I did. Pinasok ko sya sa sasakyan, I don't know where to bring her. Hindi ko sya tinanong I just let her cry. I decided to bring her in my condo. When she stepped out she suddenly passed out. Luckily nasa likod nya lang ako kaya na salo ko sya—"

"I don't believe you!" sigaw ni Bea.

"I told you to tone your voice, Bea. Let Lucas explain o kung ayaw mo maniwala. Lets just wait for, Lev to wake up." Mariing sabi ni Fourth.

Katahimikan ang bumalot sa kwarto. Huminga ako ng malalim at napagkatantong kailangan ko ng gumising at mag paliwanag. Hindi tama na pagsalitaan ng ganun ni Bea si Lucas gayong tinulungan lang naman ako.

Akmang mumulat na ako ng marinig kong nagsalita si Lucas.

"Nung binuhat ko sya I saw a blood running down on her legs—"

"What blood? What the hell—"

" Panicked and bing her to the hospital. After that I called you guys. Hindi ko alam kung anong nangyari. The doctors are already running test for her. Antayin na lang daw natin ang resulta."

Rinig ko ang hikbi ni Bea. Umuga ang kama ko and I feel smeone hugged me. It is Bea. I know it by her smell.

"My precious, Leviathan. What happened?" She said between her sobs.

I'm already on the bridge of crying pero pinilit ko na huwag umiyak. Pimilit ko ang sarili ko na kumalma habang yakap yakap pa din ako ng umiiyak na si Bea.

"Stop it Bea, baka magising mo—" Hindi na natuloy ni Fourth ang sasabihin nya dahil iminulat ko na ang mata ko.

"I'll call the nurse..." rinig kong ani ulit ni Fourth.

I tried to sit down at agad naman akong tinulungan ni Bea.

"Don't move too much, Lev." She said. Huminga lang ako ng malalim at tumango sa kanya.

Taming The Beast (Ruthless Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang