Kabanata 9

16K 202 0
                                    

Reason

Naalimpungatan ako ng maamoy ang isang mabangong putahe. Napakagat labi ako nang maalala ang panaginip ko. Was it really a dream? Why does it feels like its true?

Kung panaginip lamang ito'y bakit parang pagod na pagod ako? May kung anong kirot din akong nararamdaman sa ibabang bahagi ko.

Inilibot ko ang tingin ko at nakitang wala ako sa kwarto ko. Wala akong maalala maliban na lang na nasa opisina ako at hindi sa lugar na ito. Asan ba ako? Hinaplos ko ang kama at dinama ang malambot na tela nito. Tinignan ko ang ilalim ng isang hindi pamilyar na kumot. Naka suot ako ng isang longsleeves. Does it mean na hindi iyon panaginip lang?

The longsleeves is with the same brand of Lewis' longsleeves, Gucci. The room even smells like Lewis.

I blushed. It wasn't really a dream.

 Tumayo ako at pinsadahan ng tingin ang buong kwarto. There's a small aircon and three doors. Nakakasiguro ako na ang isa doon ay pinto ng cr, ang isa ay walking closet, habang ang isa naman ay hindi ako sigurado. Maaring office nya ito.

Malinis ang paligid. Hindi ko inaasahan na makitang ganito kalinis ang kwarto ni Lewis, mas malinis pa ito kaysa sa kawrto ko. May laptop sa isang study table. There's also a table lamp. At may naglalakihang mga bookshelves. Punong puno ito ng libro at maayos ang pagkakalagay ng  bawat libro at lahat halos ay tungkol sa law.

Bakit ang dami nyang libro sa silid nya? Don't he have a library here or office?

Baka iyong isang pinto. Pero kung tama ang hinala ko'y bakit panay libro din dito sa centro ng kwarto nya.

The door with frozen glass is probably his bathroom. Tinahak ko ang daan patungo sa isang pintuan at binuksan ito. It's his walk in closet, Hindi ito masyadong malaki hindi kagaya ng walk in closet ko sa mansyon. But it looks elegant, it's coated with gray color. Pawang mga salamin din ang division ng mga gamit.  Kaamoy nya ang mga damit nya. Gaya ng mga libro, maayos ang pagkakasalansan nito. Magkakasama ang mga magkakakulay na longsleeves, damit at pantalon. There's also a mini glass drawer for his set of neckties and watches.  May mga sapatos din duon pero wala pa ata ito sa sampo.

Halos lahat ng gamit nya ay branded. I am not ignorant when it comes to this things pero masasabi ko talaga na higit na masmayaman si Lewis kaysa sa amin.

He owns three damn big law firms!

Sinardo ko ang pintuan. His room is so relaxing. With his neat white bed sheets, curtains and his white colored walls.

Bubuksan ko pa sana ang isa pinto kaya lamang ay nakalock it. Kumunot ang noo ko pero hindi ko na iyon pinansin.

Tumungo na lamang ako sa kama at pabagsak na muling humiga. Halos magwala ang puso ko sa simpleng paglapat ng balat ko sa kama nya.  I can feel him this way.

Lumipad ang isipan ko sa nangyari sa amin kahapon. I wonder if it means something on him or it's just nothing and just an experience. Kumirot ang puso ko sa naisip ko.

Napaupo ako ngunit muli ding nakadapang pabagsak na humiga sa kama. Amoy na amoy ko ang kanyang bango, kapit na kapait ang amoy nya sa bedsheets, comforter at unan. Unti-unting nawala ang kirot sa dibdib ko. Napangiti ako at hinagkan ang isa sa mga unan nya.

Ilang minuto pa ako nanatiling ganuo bago ko napagpasyahan na tuluyan ng bumangn ako. Lumabas na ako ng kanyang kwarto. Bumaba ako ng hagdan at inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Kung hindi iyon isa lamang panaginip, totoo ngang nasa kwarto ako ni Lewis.

The interior was a combination of white and black. The bachelors color.The walls are painted with white while almost all the furnitures are black. Simple pero napakaelganteng tingnan. Sophisticated yet very masculine and manly. Malinis ang bawat sulok ng unit nya, maayos ang pagkakasalansan ng bawat gamit, Tunay ngang mas malinis ang kanyang condo kaysa sa akin. Well I'm sure he's not the one who's doing the house chores and cleaning.

Taming The Beast (Ruthless Series #1)Where stories live. Discover now