Kabanata 6

16.2K 257 2
                                    

Jealous

He opened the door of his black Lamborghini. Nakita ko kung paano umigting ang panga nya habang tinititigan ako. I get in the car in one swift move. A first for me, it is the first time that he open his car's door for me.

Umikot na rin sya para makapasok na sa driver's seat. Ang bango nya, amoy na amoy ko ang pabango nya pero masasabi ko na hindi ito matapang, hindi masakit sa ilong at katamtaman lang para mang-akit ng babae. I'm sure enough na sobrang rami na ang nahulog sa lalaking ito lalo na at sa kahit maikling panahon pala na nakilala ko sya, alam ko na palagi syang ganito. And I can't blame those who fall for this guy, even the great Leviathan Rivas fell for him.

I am aware how girls want a boy who have a same aura with Lewis. Silent, hot, and mysterious.

"Hmm saan tayo?" Tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Nagdrive naman sya palabas ng parking lot na wala paring imik. Pinipilit ko na manahimik pero hindi ko talaga maiwasan na magtanong at ibuka ang bibig ko.

"Uy..." sabi ko para makuha ang atensyon nya at hinila pa ang sleeve nyang nakatupi hanggang siko. "Saan ba tayo pupunta? Pupunta na ba tayo agad kay Police—"

"We will eat." Simpleng sabi nya. Tumango na lang ako at pilit pinigilan ang sarili na huwag mag tanong.

Kakain daw kami Sa Lana's. Date ba ito?

Parang tumalon ang puso ko dahil sa naisip.

Tumingin ako kay Lewis.

Titig na titig ang mga mata ni Lewis sa kalsada. His thick eyebrows accentuated his deep pitch black eyes. Thise eyes should be forbidden, I can't take off my eyes off of them.

Sumulyap sya sa akin nang naipit kami sa traffic. Halos mapatalon ako sa gulat at kaba dahil nahuli nya akong nakatitig sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin.

Sinilip ko sya sa gilid ng mga mata ko. Kitang kita ang pagtaas ng sulok ng labi nya. Nakakahiya ka Leviathan. He caught you drooling over him.

Sa sobrang hiya na naramdaman ko ay inuyuko ko na lang ang ulo ko. Pinaglaruan ang mga daliri ko at pinisil-pisil ito.

Hindi ko inangat ang ulo ko hanggang sa naramdaman ko na itinigil nya ang sasakyan. Tiningnan ko kung saan kami tumigil at nakita ko na nasa tapat kami ng isang mamahaling restaurant. Lumabas sya ng kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad na lumapit sa amin ang isang valet at ibinigay nya dito ang susi ng kotse nya.

Pumasok kami sa loob ng restaurant. Halos na agaw namin ang atensyon ng lahat ng naroon dahil sa mabigat na aura at mabibigat na hakbang ni Lewis.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Halos katulad lang ito noong Italian cuisine na madalas naming kainan ni Dad. It has this modern classical era presence. Cream ang kulay ng dingding at may mga naglalakihang chandelier sa ceiling.

Napadako ang tingin ko sa mga taong kumakain sa loob ng restaurant. Halos karamihan dito ay mga nakasuot ng suit gaya ni Lewis and probably most of them are bachelors.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang mga kamay na humawak sa baywang ko at inalalayan ako para tuluyan ng makapasok sa loob ng restaurant. Hindi na ako nakapagsalita at nakagat ko na lamang ang pangibabang labi ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa hiya, naalala ko na na huli nya akong nakatitig sa kanya kanina sa loob ng sasakyan.

"Table for two, sir?" tanong ng lalaki na sumalubong sa amin.

Inilibot ni Lewis ang paningin sa buong restaurant at mas hinigpitan ang hawak sa baywang ko. Umigting ang bagang nya bago sumagot sa lalaki.

Taming The Beast (Ruthless Series #1)Where stories live. Discover now