Kabanata 7

16.2K 241 2
                                    

Afraid

Ang sungit talaga ni Lewis pero imbis na maturn off ako ay mas lalo ata akong nahuhulog sa kanya. Kung sabagay, ang pagiging masungit nya nga yata ang rason kung bakit ako nahulog at nahuhulog sa kanya.

"Thank you, Inspector." Sabi ni Lewis at nakipagkamay kay Inspector.

"Bye, Leviathan. I hope it will not be the last time na magkikita tayo." Nakangiti nitong sabi sa akin na naging dahilan ng muling pagsilay ng dimple nya.

"I hope so." Nakangiti ko ding sabi habang iginagaya sya palabas ng office.

Lumingon ako kay Lewis at nakita ang madilim nyang mga mata at ang panga na umiigting sa hindi ko malamang dahilan.

Nang tuluyan na kaming nakalabas ay humarap sa akin si Lance."Hmm..." sabi nito na para bang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.

"Bakit? Haha" natatawa kong sabi dahil sa itsura nya. Namumula ang kanyang tainga at mukha kahit moreno sya ay halatang halata pa rin ang pamumula nito.

"Boyfriend mo ba iyong si Attorney?" tanong nya. Gusto ko sanang sabihin na oo pero baka mag-alburoto lang sa galit si Lewis kaya umiling na lang ako.

I just hope, Lance... Hmm!

"Hmm, nice. " ngiti nitong bulong.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Why? " nagtatakang tanong ko.

"Nothing. By the way, may I have your number?" napatitig ako sa kanya at ngumuso. Pinag laruan ko ang mga labi ko gamit ang hintuturo ko para mapigilan ang ngiti.

Gwapo sya and he has a very well built body. Kung hindi lang ako hulog na hulog kay Lewis siguro ay pinatulan ko na ang pagpapacute nito.

Nginitian ko na lang sya bago inilahad ang kamay na parang bata na nanghihingi ng candy."Give me your phone."

Tiningnan nya ang palad ko na nakalahad at unti-unting umangat ang sulok ng labi nito."Here." sabay abot nya sakin ng iphone nya.

Mukhang hindi lang sya basta pulis. I have a feeling that he is rich. Halata naman kasi sa itsura, damit at pananalita nya. May class!

I typed my number on his phone and return it to him. Sinalubong ako ng malapad nyang niti matapos kong ibalik sa kanya ang iphone nya. Ang cute ng dimple nya ang lalim parang gusto ko hawakan but nevermind may Lewis na ko.

'Police Inspector, Lance Arthur Riego.' Tahimik na basa ko sa pangalan na nakasulat sa ID nya. Pati ang pangalan nya ay gwapo. Mas gwapo nga lang ang pangalan ni Lewis.

"Bye." Sabi nya na tinanguan ko bago sya umalis.

Pumasok na ako sa loob, duon ay naabutan ko si Lewis na nakaupo sa swivel chair nya, magkasalikop ang mahahabang daliri at matalim na nakatingin sakin.

"What took you so long, Ms. Rivas?" Long? Ang OA naman nya. I only stay there for about a minute, really what is his problem?

"Do you need something Mr. Trevino?" Sambit ko nang makalapit sa table nya.

Umismid lang sya at ikinuyom ang panga.

Tinitigan ko ang mga mata ni Lewis, sobrang lalim ng mga nito na kapag nalunod ka ay hinding hindi ka na makakaahon. There is really something about Lewis na hindi ko mahanap sa ibang lalaki. I don't know why.

Kitang kita ko ang pag dila nya sa kanyang labi at ang pagbuka nito na para bang may sasabihin pero naputol ng tumunog ang cellphone ko.

Naramdaman ko na pinagmamasdan akong mabuti ni Lewis habang kinuhuka ko ang cellphone o sa bulsa.

Taming The Beast (Ruthless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon