Kabanata 5

15.9K 226 1
                                    

Simple

Biglang tumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako papunta sa parking lot.

It's Bea, this girl tsk haha.

"C-couz, sorry s-sa nangyari kagabi. I'm really... r-really sorry." Kahit nasa kabilang linya ay ramdam ko ang sinseridad nya.

Ngumiti na lang ako bago sumagot kahit na alam ko na hindi nya ako nakikita.

I'm happy na nagka-ayos na agad kami ng pinsan ko. Kahit naman alam ko na hindi namin matagalan na hindi kami okay, ayaw ko pa rin na nag-aaway kaming dalawa. I so love her.

"It's okay,couz totoo naman ang sinabi mo and I'm sorry too." Mahinahon kong sabi.

Tama na ang mga sinabi nya eh. I'm just like her. Sorry for the word but we both are obsess pero anong magagawa ko eh tinamaan talaga ako sa supladong yon?

Napangiti at napailing na lang ako ng maisip ang nakasimangot na mukha ni Lewis.

"N-no couz, you don't have to say sorry ako lang naman ang iniisip mo eh a-at saka nakipag hiwalay na rin ako sa kanya..." I can feel that she's having a hardtime. Sight.

I'm happy na nagawa na nyang bitawan iyong gago nyang boyfriend while me, I'm sill doomed.

Naghahabol pa din kay Lewis...

I sighed at the thought.

"It's okay, Take a rest. Let's talk some other time malilate na kasi ako eh."

"Promise hind ka galit sakin?"

Magagawa ko ba namang magalit sa taong mahal na mahal ko at kapakanan ko lang naman ang iniisip? Of course not.

"Yep."

"Promise? As in promise?" Tumigil ako sa paglalakad at napanguso na lang sa kakulitan ng pinsan ko.

My cousin is a great girl and I belive she doesn't deserve a dork boyfriend. She deserve someone better or more likely she deserve the best.

"Yep, bye. I love you."

Ibinaba ko ang agad ang tawag ng makita si Lewis na nakatayo sa gilid ko. Madilim ang tingin sa akin ni Lewis na ipinagtaka ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong damit. I'm wearing pink sleeveless floral dress na natatakpan ang tuhod ko at white simple doll shoes, ito iyong mga pinamili namin kahapon. I also have my white coat, para mas mag mukhang formal kahit papaano.

Kahit na ang daming nang-aanyanya sa aking mga daring na damit sa closet ko, mas pili ko ang simpleng floral dress na ito dahil ito ang gusto nya.

Light make up lang ang ginawa ko at hindi katulad ng nakagawian ko na daring at fierce. Kung simple na sa akin ang make up ko noong isang araw p'wes mas simple itong ngayon.

Tanging brown eye shadow lang na manipis and pagkakalagay, pink lipstick, inayos ko lang Mag eyebrows ko and light blush on lang ang nilagay ko sa mukha ko. Hindi na ako nag-abala na magmascara dahil natural na mahaba ang mga pilik ko.

Iyong buhok ko'y nakalugay lang din. Hinahayaang lumadlad ang natural na kulot kulot nitong dulo.

Overall this is what he wants. Simple.

Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang ikinagagalit nya sa itsura ko. I dressed how he wants me to get dress.

"G-good morning." Nagtataka man ay binati ko sya at binigyan ng matamis na ngiti.

Nakatungin lamang sya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pag-iinit ng pisngi dahil sa titig nya.

Titig pa lang nya kinikilig na ako.

Taming The Beast (Ruthless Series #1)Where stories live. Discover now