Kabanata 28

3.2K 135 0
                                    

Impit akong humikbi hanggang sa maghiwalay ang kanilang yakap sa isa't-isa na pinagmamasdan ko mula sa kanilang anino.

Naghintay pa ako ng ilang segundo para makahanap ng tyempong makaalis.

Maingat akong humakbang papalayo pabalik sa k'warto ko. Nasa ikalawang palapag na ko ng may marinig akong mga hikbi na agad nagpatigil sa'kin.

Madilim ang paligid at hindi ko rin halos marinig and tunog nang pag- iyak, dahil parang may kung anong hadlang ang pumipigil sa pag-iyak nito. Hindi naman p'wedeng si Kuya Rheden iyon dahil tunog babae ito.

"Leonora?" marahang sambit ko.

Pero nag-echo lang ang boses ko sa buong paligid.

Agad akong nagtago sa gilid ng isang malaking plorera ng matunugan ko ang boses ni Sita na panay ang hagikhik.

"Hindi ka talaga bumibigo sa pagpapasaya sa'kin mahal ko," sambit niya.

Naninikip na naman and dibdib ko, hindi ako makahinga. Pinipigilan ang mga luha. Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko.

"Ayos lang ba siya?" halos pabulong na tugon ni Nacio...

Sinong siya?

"Oo naman, hindi ko siya pinapabayaan basta ba narito ka lang sa tabi ko at hindi magkakamaling iwan ako," pagtugon ni Sita.

"Makakaasa ka."

"Halika na't pumanik," narinig ko naman ang yabag nilang papaakyat habang wala paring tigil sa paghagikhik si Sita.

Ngunit wala pa rin akong maintindihan sa pangyayari. Sinong siya?

***

Kinaumagahan naging abala sila ina at ama. May ilang mga panauhin at mga sundalong matataas ang ranggo na kakarating lang ng Pilipinas ang kailangan nilang makausap, kaya naiwan kaming dalawa rito ni Kuya Rheden kasama ang ilang tagapagsilbi.

Sila Sita naman ay mamimili ng kasuotan para sa pagsasalo na bukas na gaganapin.

Walang bago at magkasama pa rin sila ni Nacio.

Ayos lang naman sa akin kung ang minamahal niyang tunay ay si Sita. Ngunit parang tila naging isang hangin ako sa paningin niya-nararamdaman pero hindi nakikita.

Parang wala kaming pinagsamahan. Ayos lang naman sa'kin, kung sinabi niya ang katotohanan sa kanilang dalawa. 'Wag nalang sana mawala ang pagkakaibigan namin.

Ayos na sa akin ang maging kaibigan nalang. Huwag lang unti-unting maging estranghero.

Napabuntong hininga ako at pinipigilan na naman ang luhang pilit na kumakawala.

Nagsusulat ako ngayon sa Diary ni Lola-na naging diary ko na rin.

Isinulat ko lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw lahat nang hinaing, sakit at mga panahong nakadama ako nang isang bagay na hindi naman masusuklian.

Ang pag-ibig.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat nang mawalan na ng tinta ang plumang ginagamit ko.

Lumabas ako at agad na hinanap si Leonora,pero hindi ko siya mahagilap kaya napagpasiyahan kong bumaba nalang.

Nakasalubong ko si Ising na may hawak-hawak na tray ng pagkain.

"Ising nakita mo ba si Leonora?"

"Maaari pong nasa hardin o kusina. Abala ho kasi ngayon sa paglilinis," pagtugon nito at akmang aakyat na.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now