Kabanata 6

7K 252 7
                                    


Napatunganga 'ko sandali at binuka nang paulit-ulit ang mata ko hinawakan ko ang pisngi niya at kinurot ito.

"Aray," sambit niya, "Totoo nga," pagkumpirma ko naman na tila pinagtaka niya.

"Anong totoo? Aray ang sakit no'n Fely," sambit ni Nacio habang marahang hinihimas ang pisngi niya.

Dahan-dahan naman niya 'kong binaba.

"Sorry, akala ko kasi nahulog na 'ko." paghingi ko nang paumanhin.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Mabuti nalang agad kitang nakita," tugon niya, habang hinihimas pa rin ang pisngi. Mamula-mula na ito.

"Inaabot yung unreachable apple," sambit ko habang tinitingnan ang mansanas na naging sanhi nang pagkahulog ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa mansanas, dahil sa kaniya ay kaharap ko na ngayon si Nacio.

"Apple? Ako na pipitasin ko sad'yang maliit ka lang binibini," panunukso niya.

Umakyat na siya ng puno. Pinagmasdan ko lang siya, mukhang eksperto na siya sa ganitong bagay. Pumitas siya ng lima at hinulog 'yun sa basket.

"Sapat na ba iyan? Baka kulang pa?" sambit niya.

"Isa lang sana pero salamat," tugon ko at agad siyang nginitian. Napatulala siya saglit bago nagsalita, "Walang anum-"

Bago pa siya magsalita, pinutol ko na ito, "Diyan ka lang hihiwain ko 'tong mga mansanas."

Hihirit pa sana siya ulit pero pinutol ko na naman ulit ito," Ayos lang bu-"

"Wala ng chechebureche diyan ka lang." agad akong naglakad pabalik ng bahay ngunit natigilan nang magtanong siya muli.

"Chechebureche?" takang tanong niya.

"Wala ang ibig sabihin noon ay sumang-ayon ka nalang," pagpapalusot ko, tumalikod ako agad at napapikit. Palagi nalang akong nadudulas.

Wala naman na siyang nagawa at napangiti nalang.

"Opo, Señorita Fely chechebureche ako sa iyo," tugon niya.

Tinakpan ko naman ang bibig ko pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Hindi naman niya napansin ang pagpipigil ko.

Lumakad na 'ko papasok sa bahay na may nakamightybond na ngiti sa aking mga labi.

Nagbalat na 'ko ng mansanas at hiniwa ito. Binilisan ko na at baka mainip siya at umalis at dahil do'n, "Aray."

Hinugasan ko sa umaagos na tubig ang maliit na sugat at pinagpatuloy ang paghiwa, "Ayos na siguro 'to."

Nilagay ko na ang mga mansanas sa plato at inayos ang presentasyon nito. Nagpunas din ako ng pawis at lumabas na.

Naalis ang nakamightybond kong ngiti nang makitang wala na sya.

"Nainip na siguro," walang gana kong sabi.

Umupo nalang ako sa may damuhan sa taas ng puno ng mansanas at nilapag ang plato sa tabi ko. Kumuha ako ng isa at kinagatan iyon.

"Kumain na agad 'di na 'ko inantay?"

Hinanap ko ang boses ni Nacio na alam kong nasa malapit ko lang, pero 'di ko sya makita.

Ilang sandali pa may bumagsak na bulalak sa may tapat ko isang gumamela dahilan para mapaangat ang tingin ko.

"Andiyan ka lang pala," sambit ko.

Ngumiti siya sabay baba sa puno.

Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng mansanas.

"Bakit may gumamela ka? bibigay mo siguro 'to kay Marina no?" Biglang lumabas sa bibig ko habang hawak ang gumamelang nahulog niya.

Bumalot ang kaba sa dibdib ko dahil sa maaaring maging sagot nya.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon