Kabanata 17

4.6K 245 15
                                    


Napahinto ako at tila napatulala sa tindig at pangangatawan ni Nacio siguradong maraming kababaihan ang nahuhumaling at naaakit sa kakisigan niya.

Amoy na amoy din ang halimuyak ng kanyang pabango mula sa kinatatayuan ko.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan ramdam ko ang titig niya sa 'kin. Hindi naman matigil sa panlalamig at panginginig ang kamay ko...

Hingang malalim.

Napatingin ako kay Nacio at naglalaro ang mga ngiti niya sa labi, na tila pinipigilan ang pagtawa dahil sa ginagawa kong pag inhale at exhale.

"Binibini halika na, masamang pinag-hihintay ang mga bulaklak."

Humakbang naman ako nang mas mabilis, pero ramdam pa rin ang panginginig sa buong katawan ko.

Ilang sandali pa biglang... naapakan ko ang dulo ng baro't saya, dahilan para matalisod ako. Nakapikit ako at inaantay ang pagbagsak ko. Teka dejavu na naman ba ito? nangyari na 'to sa may puno ng mansanas.

Agad naman akong nahawakan ni Nacio, pero napadulas ako dahilan para mahulog kami at mapagulong-gulong sa may hagdan at mapadapa sa damuhan.

Sa puntong iyon napatingin ako sa kalangitan at namasdan ang unti-unting paghulog ng saranggola na kanina lang ay masiglang lumilipad sa alapaap.

Ramdam ko rin ang konting kirot dahil sa pagkahulog.

Naramdaman ko rin ang kamay ni Nacio sa bewang ko...

At tumumbad sa 'kin ang namumula at gulat na reaksyon niya na 'di rin inaasahan ang nangyari. Ilang segundo kaming nagkatitigan at parang wala sa sarili na 'di malaman ang gagawin.

"N-acio," pautal na sambit ko. Kinakabahan ako dahil baka may makakita sa amin at magtaka kung bakit nasa gan'to kaming posisyon.

Nag-uunahan rin sa pagpintig ang puso ko na parang gusto nag kumawala sa aking katawan.

Nang mahimasmasan agad napatayo si Nacio at inabot ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman 'yon. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, dahil sa hiya.

"F-elici-ta" pautal niyang sabi, sabay ng pagkamot niya sa batok.

Nakayuko lang ako habang pinagmamasdan ang saranggolang kakabagsak lang mula sa kalangitan.

Nang magkaroon nang lakas ng loob ay muli siyang nagsalita, "Fely, kahit ilang beses ka pang mahulog, sasaluhin at sasaluhin pa rin kita. Iyan lamang ang pakakatandaan mo."

Gulat naman akong napatingin sa kan'ya at binalak na magsalita, pero walang lumalabas na talata sa bibig ko.

"Kahit gaano ka pa kabigat titiisin ko lahat, 'wag ka lang masaktan at mahulog sa iba."

Mahulog sa iba? Anong nais niyang ipahiwatig? Kung alam mo lang Nacio na ikaw lang ang may kakayahang patibukin ang puso ko nang ganito kabilis.

Unti-unti naman akong nalungkot at napaisip. Alam ko ang layo ng agwat namin sa isa't-isa at kalaban namin ang panahon, oras, at ang tadhana.

'Yan lang naman ang mga pinaka magigiting na mandirigma, dahil wala pang nakakatalo sa kanila.

Pero kahit ganoon umaasa ako nasa muling pagbagsak ko ikaw at ikaw pa rin ang magsasalo sa 'kin Nacio, kahit gaano pakahirap, kahit gaano kabigat ay ikaw pa rin.

Nagulat ako nang biglang ilahad niya ang kamay niya sa'kin at sabay na tumingin sa may kubo na medyo may kalayuan, pero kaya pa rin namang lakarin. Bitbit niya sa kabilang kamay niya ang mga bulaklak. Naihagis niya kasi ito sa may gilid bago pumunta sa'kin kanina, at buti nalang ay hindi masyado nalagas nag mga petals nito.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now