Kabanata 15

4.7K 182 4
                                    


Wala naman itong pinagbago, may entrance fee na nga lang ito. Sampung piso para sa adult at limang piso para sa bata. Asa'n naman kaya ako sa dalawa? Bali s'yete nalang para sa'ming nasa gitna ng kabataan at katandaan?

May ilan ding kababaihan sa gilid na naglalaba mukhang papatapos na sila. Ito siguro ang dahila para dumumi nang kaunti ang tubig naging palabahan na ang gilid nito. Ang iba naman ay pauwi na, kakatapos lang maglaba at maligo.

Ilang minuto ko rin pinagmasdan ang batis bago napagpasyahang umuwi.

Dahan-dahan kong ipinark ang bike sa tabi, siguradong hinahanap na ako ni kuya.

"'Wag karing magpagabi," rinig kong sabi niya sa isip ko, siguradong mapapagalitan niya ko pag nagkataon.

Tahimik kong hinakbang ang paa ko papasok habang panay silip kaliwa't kanan.

Nakahinga ako nang maluwag ng makitang wala siya sa sala. Papasok na ko nang..

"At sa'n ka galing? Sinabi kong 'wag ka magpagabi 'di ba? Anong oras na?" Nasa likod ko na pala si kuya.

Napahinga naman ako nang malalalim, "Naglibot-libot lang kuya, 'di ko namalayan ang oras."

Nagulat nalang ako nang pitikin niya ang noo ko,"Ayan ang parusa mo, napakakulit."

Napahimas nalang ako sa noo ko, kahit pitik lang 'yon, masakit pa rin. Ang bigat pa naman ng kamay ni kuya.

"Kanina pa kita hinihintay, 'di raw makakauwi sila mama. Nasa Maynila sila, balikan naman ang binook nilang flight at cancelled daw ito ngayon. Halika na nagluto na nang maaga si Aling Lenny kakain na tayo."

Napayuko nalang ako at dumiretso na sa kusina minsan talaga nagiging strikto si kuya.

***

Agad akong napahilata sa kama. Paidlip-idlip lang at hindi makatulog nang diretso.

Patuloy na lumilitaw sa akin ang tanong na 'bakit hindi p'wede?' Ano kayang dapat kong alamin?

Hindi na nga ako nagpaligoy-ligoy pa, at napatalon na sa cabinet.

Pagkalapag ay agad akong napatingin sa bintana at nagtaka umaga palang dito.

Nang maupo sa kama agad kong nakita ang dalawang sobre na nakaipit sa diary kinuha ko ito.

Hindi ko nalang namalayan na nakangiti na pala ako, habang pinagmamasdan ang nakaimprintang pangalan ko, at pangalan ni Nacio.

Para kay: Felicita Solon
Galing kay: Nacio Buencarmino.

Binibini,

Hindi ako mapakali at patuloy na nag- iisip. Galit ka pa rin ba sa akin? Kung kaya't dalawang araw kanang 'di lumalabas ng iyong silid? Mapatawad mo sana ako kung ano man ang aking nagawa na hindi mo nagustuhan.

Patuloy kitang hihintayin,

Nacio

Hindi naman ako galit, kung alam mo lang Nacio...

Binuksan ko naman ang isa pang sobre imbitasyon iyon para sa kaarawan ni Marina.

Lumabas na 'ko ng k'warto at agad na natanaw si Kuya Rheden.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now