Kabanata 14

4.7K 174 1
                                    


Nakaupo ako sa gilid ng kama habang nag-iisip at naghihintay sa muling pagtawag ni Clair...

Kumusta na kaya siya?

Kumusta na kaya si Nacio?

Dalawang araw na rin ang nakalipas.

Natatakot ako sa p'wede kong malaman pag nagkataon kaya ayoko munang pumunta doon.

Inayos ko na ang kumot ko, mga unan at bumaba.

Tahimik at madilim. Walang tao asa'n naman kaya sila?

Pumunta muna ko sa kusina para humanap ng pagkain cereal at tubig. Mukhang wala pa ata akong gana kumain nang matapos inilapag ko na ang bowl at ilalagay ko na sana ito sa lababo ng gulatin ako ni Kuya Danic, dahilan para mabitawan ko ito at mabasag.

"Hala ka bunso, lagot ka kay mama susumbong kita."

"Tss," inis kong sabi sabay alis ng kusina para maghanap ng walis at dustpan.

"Ba't ka naman inis kaagad bunso?Uy," saad niya habang sinusundan ako.

"Kuya naman kasi mangugulat sa may lababo pa," sagot ko.

"Ang iyong pagdaramdam idalangin mo sa may kapal," pakanta niyang sabi na mas lalo namang ikinainis ko.

"Kuya seryoso kasi, asa'n pala sila mama?"

"Ayon pumunta kayla tito, 'yung ikakasal ba 'yun? Tutulong sa pag-aarrange ng venue," tugon niya.

"Ah dapat sumama kana kuya eh." 

"Oo nga eh kaso inaalala kita, baka kasi mamiss mo ako, kaya nagpaiwan ako," saad niya.

"Mas namimiss ko pa si Ate Aries kaysa sa'yo kuya," agad kong sagot

Nagkunwari naman siyang malungkot ang ekspresyon.

"Sige na kuya lilinisin ko pa 'to."

"Osha, sige ako na sana ang maglilinis pero nag volunteer kana. Do'n muna ko sa sala."

Napabuntong hininga nalang ako habang winawalis ang nabasag na bowl. Asan naman kaya si Aling Lenny? 'Di ko na siya nakikita nitong mga nakaraang araw.

***

Lumabas muna ko para magpahangin.

Nakita ko naman agad si Aling Lenny na namimitas ng mga gulay, para siguro iyon sa pagkain mamayang gabi.

Tahimik ko siyang pinagmamasdan napakapamilyar ng mukha niya, hindi ko lang maalala kung sino ba ang taong kilala ko na kahawig niya.

Kitang-kita rin sa kanyang kamay ang simbolo ng katandaan, may kaonti na itong mga kulubot at ang buhok niyang tila nag-aagawan na sa puti sa itim.

Nagtungo ako papunta sa kan'ya.

"Aling Lenny tulungan ko na po kayo,"
saad ko, nagulat naman siya sa pagdating ko.

"Nako, kabait naman ng batang ito," tugon niya.

Napangiti naman ako at agad na napaisip. Asan kaya ang mga anak niya at asawa? Parang nakakalungkot namang isipin na wala sila sa tabi ni Aling Lenny kung kailan may edad na at tumatanda na siya.

"Asan po pala ang pamilya niyo Aling Lenny 'di ko pa po kasi sila nakikita simula ng tumira kami dito." takang tanong ko habang pinipitas ang dahon ng gabi.

"Ah 'yun ba, tumanda na 'kong dalaga ineng. Meron naman akong naging kasintahan, dati ikakasal na sana kami ng pumanaw siya dahil sa isang aksidente simula noon hindi na ako nag-asawa at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag-aalaga ng bahay na ito." sagot niya.

Nalungkot naman ako sa sinabi niya, "Gano'n po ba, sorry po dapat pala hindi ko na naitanong."

"Nako ayos lang iyon matagal na panahon na rin naman ang lumipas," saad niya ng may ngiti sa labi, pero alam kong salungkat naman ang sinasabi ng mga mata niya.

Tinulungan ko si Aling Lenny sa pagbitbit hanggang sa makarating sa kusina.

"Maraming salamat iha."

"Walang anuman po," tugon ko, tinulungan ko muna siyang magsalansan ng mga gulay bago bumalik sa sala.

Wala na sa sala si kuya, kaya lumabas ulit ako para hanapin siya.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya na nilalabas ang bike, katabi niya ang mga panlinis sabon at basahan. 

"Kuya hiramin ko 'yung isang bike"

"Osige, para makabawi naman ako sa'yo kanina, pero bawal kang lumayo hah," bilin niya.

Tumungo ako bilang pagsang-ayon at kinuha ang bike. 

"'Wag ka ring magpagabi," pahabol niya.

***

Malamig ang simoy ng hangin at kakaunti lang ang taong makikita sa paligid.

Kay sarap pagmasdan ng mga bukiring nakapalibot sa lugar; mga taniman, mga farm animals at mga coconut trees.

Pero kagaya rin sa Maynila may mga gusali nang nakatayo rito mga convenient store at supermarket, meron naring mga mall, pero nangingibabaw pa rin ang tahimik at normal na pamumuhay.

Bigla namang lumitaw sa isipan ko ang batis.

Ano kaya kung pumunta ko sa batis ngayon?

Ano na kayang hitsura no'n, makalipas ang mahabang panahon?

Nagbike ako nang mabilis, para makaabot doon bago sumapit ang dilim.

*broom* paharurot kong sabi kahit hindi naman ito isang motor.

Mabilis ang pagpedal ko,

Nang biglang...

Napapreno ako nang may dumaang bata sa harapan ko.

My heart skip a beat muntik na ako makabangga, agad akong bumaba at nilapag ang bike nilapitan ko siya isa pala siya sa mga batang grasa.

Hinawi ko ang mga buhok na nagkalat sa kanyang mukha at agad na tinulungan siyang tumayo. Napakagaan niya, para sa kan'yang edad mga pitong taong gulang na siguro siya.

"Sorry ah, ayos ka lang ba?"

Ilang segundo siyang napatulala sa gulat bago nagsalita,"Okay naman po gutom lang po," nginig niyang sabi.

Kinapa ko ang bulsa ko mukhang nakalimutan ko pa ata magdala ng pera. Kinapa ko pa ang kabilang bulsa, pati na rin ang sa likod nang may makapa akong bente pesos.

"Tara bili tayo ng tinapay," sambit ko, at inalalayan siyang tumayo.

Agad naman siyang napangiti.

Binilhan ko siya ng limang pirasong pineapple pie at isang zesto juice drink.

"Oh ayan kain ng madami ah, pataba ka."

Kinagatan niya agad ang pineapple pie habang nagsasalita, "Salamat Ate."

Agad siyang nagpaalam, dahil sa bibigyan rin daw niya ng tinapay ang nakababata niya pang kapatid. Sinabihan ko naman siyang mag-ingat sa daan. At nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Naisip ko nalang na mas mabuting pagkain ang ibigay ko, kaysa pera baka kasi magamit niya lang 'yun sa masama, baka magasta niya sa maling bagay katulad ng yosi at drugs.

Kinuha ko na ang bike ko at agad nagpedal hindi ko na namalayan ang oras mag-aalasingko na pala.

Darkness envaded the clear blue sky,

And here I am rushing, as if I'm glowing in the dark and the night won't stop me.

Dahil medyo madilim na nahirapan na rin akong tahakin ang daan hindi ko na rin masyado maalala kung tama ang dinaraanan ko.

Ilang minuto rin ang nakalipas ng makarating ako.

Gulat at tila napanganga ako nang kaunti.

Ang batis...

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now