Kabanata 41

2.8K 136 14
                                    


Naging mabilis ang pagtakbo ng araw nang hindi ko namamalayan.

Hindi ko rin ginagalaw ang pagkain ko kaya naman madalas akong nanghihina. Ang binabalak ko nalang ay magkasakit nang sa gayon ay maurong ang kasalanan namin ni George.

"Felicita, may sorpresa ako sa'yo," sambit ni George na pumasok nang hindi manlang kumakatok—palagi niya naman itong ginagawa.

Tinalikuran ko lang siya at hindi pinansin.

"Alam kong sabik kayong makita ang isa't-isa." lumabas siya at rinig ko namang, may tinawag siyang tao sa labas.

Ilang sandali pa, "Binibini!" ani ni Leonora at napayakap sa'kin. Tinugon ko rin ang yakap niya. 

At sabay kaming napahagikhik pawang tuwang-tuwa na masilayan muli ang isa't-isa.

Nang makalma, ay agad akong nagtanong, "Paano ka nakapunta rito? Paano-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng takpan niya ang bibig ko.

"Si Señor Nacio ang naghanap sa'kin. Binigyan niya rin ako ng pamasahe para makapunta rito. Siya rin mismo ang nagsabi na rito ako mamasukan," bulong niya.

Natigilan naman ako saglit nang mabanggit niya ang pangalan ni Nacio.

"Ngunit bakit alam ni George na tayo ay magkakilala?"

"Iyon ho ang ginamit kong dahilan para makuha rito bilang tagapagsilbi mo. Hindi na rin kasi sila nangangailan ng bago," sambit niya sa mahinang tono pa rin ng boses.

Muli kaming nag-yakap. Pilitin ko mang 'wag magtanong tungkol kay Nacio ay hindi ko pa rin ito naiwasan, "Kumusta na siya?"

Napaupo muna siya sa tabi ko bago nagsalita,"Hindi pa rin naghihilom ang mga pasa niya sa mukha. Mayroon din silang patagong imbestigasyon na ginagawa, para mapawalang bisa ang pagkakatali niya kay Señora Sita."

Hinawakan niya ang kamay ko at napangiti, "Akin lang nabalitaan kahapon na, may inimbita silang doktor para harap-harapang suriin si Sita at kasa-kasama rin nila ang mga magulang ng Señora. Dito napatunayang hindi siya nagdadalang-tao."

Napangiti nalang ako sabay nang pagpatak ng mga luha.

"Dinakip na rin siya dahil sa pananakit kay Señora Marina, kasalukuyan siyang nasa kulungan ngayon."

"Ma-buti naman, nasuklian din ang paghihirap natin no'n," sambit ko sabay punas ng luha.

"Karapatan ni Marina ang mabigyan ng katarungan. Hi-ndi biro ang sinapit niya," pahabol ko at muli kaming nagyakapan.

***

Kumain na 'ko ng hapunan sa kadahilanang si Leonora ang naghanda ng pagkain.

"Kain lang Fely, namamayat ka na. At ako rin ang malalagot kay Señorito Nacio. Sabi pa naman niya ay pakainin at paghandaan kita nang marami," sambit ni Leonora.

Hindi naman ako nakapagsalita. Hangga't maaari ay ayoko nalang muna ang maalala si Nacio.

"Bukas na bukas pala ay kukunin ko ang natitirang gamit mo sa Hacienda Solon." napatigil ako sa pagkain.

"Maaari ba akong sumama?" napailing siya, "Kabilin-bilin sa'kin ang 'wag kang papalabasin ng k'warto."

Tumungo nalang ako at nanahimik.

Nang matapos kumain ay kaagad akong gumawa ng liham para kayla Inang Rosella na ipapaabot ko kay Leonora bukas.

Ina,

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon