Epilogo

4.1K 122 46
                                    


Ang buong akala ni Clark ay wala na ang kaibigan. Ngunit gulat siyang napatingin nang marinig na tumigil ang mga tunog nang paghampas. Nakita niyang tumayo si Rheden at paika-ikang naglakad papunta sa kaniyang direksyon. May mga dugo at pasa na ito sa katawan.

Mas lalong naiyak si Clark dahil dito ang buong akala niya ay pati si Rheden ay mawawala na.

"Sabi ko na nga ba kaya mo," sambit niya sa kaibigan.

Napangiti naman si Rheden at agad napabusangot dahil sa kirot na dulot nang pangiti niya, "Para sa pamilya."

Tumango naman si Clark, may butil pa ng luha sa mga mata nito, "Para sa pamilya."

***

Nagising si Nacio sa isang bahay na gawa sa kahoy. Taka siyang napabangon at napatingin sa paligid. Wala siyang maalala. Hindi niya alam kung anong pangalan niya at kung nasa'n siya. Sa gitna nang pag-iisip niya ay naulinigan ang kaniyang paggalaw ng batang kaniyang sinagip.

Napangiti itong nakatingin sa kaniya, "Ate gising na po siya."

Lumabas ang isang dalagang dala-dala ang pinakuluang dahon ng bayabas upang linisin ang noo ni Naciong may kaunting galos gayundin ang ilang sugat nito sa katawan. Mga isang araw na walang malay si Nacio at ito na ang pangatlong beses na maglalagay ang dalaga ng dahon ng bayabas sa kaniya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito. Walang naisagot si Nacio tulala lang siyang nakatitig sa dalaga at sa tiyan nito. Napansin niyang nagdadalang-tao ang dalaga.

Magsasalita na sana muli ang babae, natigilan siya nang marinig ang boses ni Nacio, "Paumanhin pero wala akong maalala. Asa'n ako at sino ka? Ano'ng taon na?"

Hindi na nagulat ang babae sa sinabi ni Nacio, dahil kasi sa pagsabog at dahil sa pagligtas ng binata sa kapatid niya ay ito ang sumalo ng malaking pinsala.

Dahil nga may ilang galos at pasa si Nacio sa katawan at sugat sa noo. Naisip niyang napuruhan ang noo ng binata. Malamang ay tinamaan ito ng kung anumang bagay nang napakalakas, dahilan para mawala nang pansamantala ang alaala nito. Hindi rin tiyak ng dalaga kung gaano kalaki ang pinsalang panloob dito.

Balak na nga niyang manghingi ng tulong kung sakaling hindi pa nagising ang binata.

Napangiti nalang siya ng may lungkot sa mata. Naisip niyang mabuting kunin itong pagkakataon. Tinakbuhan kasi siya ng ama ng dinadala niyang bata at hindi niya alam kung paano ito palalakihin. Silang dalawang magkapatid na rin lang ang naiwan sa pamilya. Matagal ng wala ang kanilang Ina at ang kaniyang Tatay na kasama ng kaniyang kapatid na nagpagawi sa Maynila ay hindi na matagpuan.

Muntik-muntikan na rin siyang mawala sa sarili kung sakaling hindi nakita ng kaniyang dalawang kaibigan ang kapatid. Ito na rin ang naging dahilan para magkrus ang kanilang landas ni Nacio.

Napayuko siya saglit bago sagutin ang binata. Alam niyang mali ang kaniyang gagawin, ngunit wala na siyang ibang maisip pa. Hinihiling na lang niya na sa oras na maalala ng binata kung sino siya, ay patawarin siya nito...

"Ako si Karmen, ang iyong nobya."

***

Buwan ng Hulyo nang tuluyang makatakas sa pagkakakulong at pagpapahirap sa kamay ng mga Hapones si Rheden at Clark. Bukod pa rito iba't-ibang hirap ang kanilang dinanas makabalik lang sa kanilang pamilya.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now