Kabanata 36

3.1K 154 8
                                    


Kila Marina na kami nagpalipas ng gabi. Sa may sofa na ako nakatulog, dahilan para manakit ang batok ko.

Dahil sa pananakit ng batok, agad din akong napabangon. Tulog pa rin si Inang Rosella, kaya napagpasyahan ko munang bumaba.

Malaki ang tahanan nila Marina. Dalawang palapag lang ito, ngunit napakaraming pasikot-sikot at pintuan na madaraanan. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napatigil ako sa isang k'warto na nakaawang. Pamilyar ang bango at amoy sa loob nito. Tila ba hinahatak ako nito papalapit. Gayuma na ba ito? Napatawa nalang ako sa naisip ko.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago sumilip sa k'warto.

Walang tao.

Napakapamilyar talaga ng amoy dito sa loob ng k'warto.

Biglang nanlaki ang mata ko ng maalala ang pamilyar na amoy. Ang amoy nang bulaklak ng carnation nga pala ito.

Hanggang sa mapansin ko ang mga bulaklak na nakalagay sa plorera. Hindi nga ako nagkakamali.

Carnation ang paboritong bulaklak ng ina ni Nacio. Ang bulaklak na sumisimbolo sa pagmamahal ng isang ina sa kan'yang anak. Naalala kong itong bahay nila Marina ang nagsisilbing bahay bakasyunan nila Nacio tuwing uuwi sila ng Pilipinas. Ito malamang ang k'warto ng kan'yang ina.

Katabi ng maliit na plorera ang isang litrato. Litrato ng isang pamilya. Isang ina ang nakatayo, nasa harap niya namang nakaupo ang tatlong bata. Dalawang babae at isang lalaki. Mukhang tatlo hanggang apat na taon ang agwat nila.

Napangiti nalang ako habang tinititigan ang batang Nacio sa litrato. Siya ang pinakamaliit at halatang bunso sa tatlo. Napakaganda ng kanyang mga ate. Isa rin sa mga ate niya ang may napakapamilyar na hitsura...

Kahawig na kahawig ito ni Leonora

Hindi kaya...

"Sino ho kayo? Hindi po maaaring pumasok ang sinuman sa k'wartong ito. Pasensiya na po at naiwan ko itong nakabukas. Kakatapos ko lang hong maglinis," sambit ng isang tagapagsilbi.

Agad ko namang binaba ang picture frame at humingi ng paumanhin.

Nagmamadali na akong umalis sa k'warto na may dinadalang tanong.

***

Nadatnan kong nagluluto ng almusal ang dalawang tagapagsilbi, habang nakaupo namang nagkakape sa may lamesa si Marina.

Agad na natunugan ni Marina ang pagbaba ko at agad siyang bumati, " Magandang umaga, almusal na," sambit niya sabay taas ng tasa niya na animoy makikipagtagay.

Natawa nalang ako sa kinilos niya at naupo sa tabi niya.

"Kumusta? Maraming salamat pala sa pagpapatuloy mo sa amin ngayong gabi," Nginitian niya naman ako bilang pagtugon, "Limang piso para sa isang gabing pananatili."

"Nako, limang piso lang pala, katumbas lang 'yan ng limang pirasong kendi hindi ba?" sambit ko sabay tawa. Hanggang sa mapagtanto ko ang sinabi ko at agad na napatakip ng bibig.

Mukha namang naguluhan siya sa sinabi ko,"Nagbibiro lamang ako. Makakabili ka na ng limang kilong baboy sa limang piso," pagpalalusot ko at humagikhik ng konti.

Napatawa nalang si Marina.

"Sobra-sobra pa nga ang tulong na natanggap ko sa'yo noong mga panahong kailangan ko nang tulong, kaya wala ito. Pumunta ka lang dito kahit anumang oras at kung may kailangan ka...kayo ng inyong pamilya." Napahawak siya sa kamay ko at napangiti.

Sabay na kaming nag-almusal ni Marina. Nagkwentuhan kami na parang mga batang walang dinadalang problema, kaya kahit papaano gumaan ang loob ko.

Nang matapos kami ay agad kong hinatidan ng makakain si ina. Napansin ko namang tulala lang siya at halos hindi pinansin ang pagkaing binigay ko.


"Ina, kumain na po kayo. Kailangan niyo pong magpalakas. Gagawan niyo pa po ako ng maraming bestida hindi ba?" Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya, "Gusto ko po kayo ang magtatahi ng damit na isusuot ko sa aking kasal, kaya magpagaling po kayo ina."

Bigla siyang natauhan nang mabanggit ko ang kasal, "Masaya ako anak," sambit niya at napapunas sa luhang nagbabadya ng tumulo sa mga mata niya. "Masaya ako at pinaglaban mo ang tunay na nararamdaman mo. Ang maikasal sa taong hindi mo mahal ay habang buhay na pagdurusa, ngunit ang ipaglaban mo ang tunay na minamahal mo ay saglit na pagdudurusa at habang buhay na kasiyahan."

Hindi ko namalayan na pati ako ay umiiyak na rin,"Wag mo sanang sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyayari sa atin anak. Kasalanan ito ng iyong ama. Masyado siyang dumepende sa tulong ng iba, at ngayon siya na ang nagigipit dahil sa utang na loob." Napayakap nalang ako kay ina dahil sa hindi ko kayang makitang umiiyak siya.

"Magiging maayos din ang lahat ina. Nabigyan tayo ng pagsubok para lumakas. Binigyan tayo ng diyos ng suliranin para mas lumago. Nagtitiwala siyang malalagpasan natin ito. Parang task lang ito ni Big Brother Ina." Bigla akong napatakip ng bibig sa huli kong binanggit.

"Magtiwala lang tayo sa Diyos anak." Buti nalang at hindi ito napansin ni Ina.

Matapos ang aming pag-uusap ay napilit ko rin siyang mapakain. Kumakain siya habang ako ay inaayos na ang mga gamit niya sa pagbuburda at ilang mga bestida na kaniyang binebenta. Hindi na niya ito naubos dahil sa nawalan siya ng malay kahapon.

Pagkatapos ng tanghalian ay agad na rin kaming nagpaalam na uuwi na. Hindi ko na nakita si ama. Sabi ni Marina nagpaalam daw ito sa kaniyang ama, kay Señor Arturo na aalis na dahil marami pa itong aasikasuhin.

"Mag-iingat kayo Felicita at Señora Rosella. Dadalaw ho ako sa susunod na mga araw."

Nagyakapan kami ni Marina at ganoon din sila ni Ina. Ilang beses din akong nagpasalamat bago tuluyang sumakay sa kalesa.

***

Pagkapasok namin sa loob ng bahay dala-dala ang gamit ay agad kaming naupo ni Ina. Tanging alikabok lang ang bumati sa aming pagdating.

Ilang sandali kaming nakapikit ni ina ng biglang natigilan kami dahil sa mga kaluskos na nagmumula sa taas. Ilang minuto kaming nagkatitigan, para pakiramdaman ang buong paligid.

Agad akong kumuha ng kubyertos sa kusina. Isang malaking sandok na gawa sa kahoy. Kumuha na rin ako ng kutsilyo at itinago ito sa likod ko. Si ina naman ay kumuha ng plorera.

Papalapit nang papalapit ang kaluskos. Agad ko ng hinila si Ina para magtago sa gilid ng hagdan.

Maya't-maya naman akong sumisilip.

Napapikit nalang ako ng matunugang papalapit nang papalapit ang tunog ng kaluskos. Ilang sandali pa rinig na ang mga yabag na pababa ng hagdan.

Maging si ina ay hysterical na sa tabi ko. Sinenyasan niya nalang ako na kunin ang plorera at ihampas agad.

Pareho naming nakita ni Ina ang mga anino. Dalawang tao.

Bawat segundo ay papalaki ng papalaki ang mga anino. Hindi na ko nagdalawang isip na sumugod.

Tatlong armas laban sa dalawang tao.

Akmang ihahampas ko na ang plorera ng bigla akong natigilan.


"Kuya Rheden?!"

"Nacio?!"

Agad kong nabitawan ang plorera at humampas ito sa sahig dahilan para mabasag ito.

--

Salamat sa pagbabasa :) ❤

Susubukan kong makapag-update sa sabado. :)

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now