Kabanata 40

3K 117 4
                                    


Lumipas na ang halos dalawang oras, tahimik lang kami ni Nacio na nagmamasid sa palagid.

Gabi na rin at halos wala na kaming makita. Ang ilaw ay nasa kalsada at halos iilan lang ito.

Maingat din kami sa paggalaw dahil sa tunog ng mga dahong nalanta. Ilang sandali pa kumulo na ang aking tiyan.

Hindi ko man makita, ay naramdaman kong napatingin sa akin si Nacio.

Magkatabi kaming nakasandal sa isang puno ngayon. Magkawak lang din ang aming mga kamay. Dalawang oras na itong magkahawak.

Ilang segundo ang lumipas nang maramdaman kong bumitaw si Nacio sa pagkakahawak sa kamay ko. Mamaya pa may iniabot siyang hugis bilog sa akin, "Ano ito?" pabulong na sambit ko. Pinisil ko 'to at doon ko lang napagtanto na isa itong prutas.

"Dalanghita 'yan, pasensiya na 'yan lamang ang laman ng aking bulsa." tugon niya.

"Dalanghita? Parang pangalan ng isda." biro ko na agad nagpatawa kay Nacio, "Kapamilya 'yan ng kalamansi at dalandan at iba pang prutas na sitrus. Mas malaki nga lang ito sa kalamansi at mas maliit sa dalandan." saad niya.

Tumango-tango nalang ako, at nagpasalamat.

Habang nagbabalat ay narinig ko rin ang pagkulo ng tiyan ni Nacio na nagpangiti sa akin.

Nang matapos akong magbalat, agad akong pumilas ng dalawa at isinubo ito kay Nacio.

"Ah, Felicita," sambit niya, habang nakatutok pa rin sa kaniya ang kamay ko, "Fely, nabusog ang aking mata." sabay hagikhik niya.

Napatawa naman ako nang mahina, at kinapa ang mukha niya para sumakto na ito sa bibig niya.

Naging ganoon ang sitwasyon namin hanggang sa maubos na ang prutas. Naubos na agad ito wala pang isang minuto. Napabuntong hininga nalang ako, sabay na kumulo ulit ang tiyan.

Ilang saglit pa naramdaman kong tumayo si Nacio,"Saan ka pupunta?" tanong ko at sinabihan siyang magdahan-dahan dahil sa rinig ang bawat yapak niya dahil sa mga dahon.

"Kukuha ng makakain." tugon niya sabay akyat sa puno. Ilang minuto rin ang tinagal niya bago nakababa.

Sumilay kaagad ang ngiti ko, nang maamoy ang mangga. Agad na iniabot ni Nacio ang tatlong pirasong mangga sa akin.

At ito na nga ang naging hapunan naming dalawa.

Matapos ang isang oras ay hindi namin namalayan na nakatulog na kaming dalawa.

Nagising na lamang ako ng makarinig ng kaluskos. Napapikit na lang ako sa takot ng makakita ng mga ilaw sa damuhan. Sabay ng mga pag-uusap.

"Come on, come out you two." saad ng isang sundalo.

Naramdaman kong papalapit nang papalapit ang mga yapak nila.

At napatakip nalang ako ng bibig, nang mailawan nila ang balat ng dalanghita at mangga na itinabi lang namin sa gilid ng puno. Mabuti na lamang at tinakpan ko ito ng isang dahon kaya't hindi ito masyado halata.

Nakahinga lang ako nang maluwag, nang mawala ang ilaw. Ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak sa akin ni Nacio.

Ilang sandali pa parehas kaming napatakip ng mata dahil sa silaw, "They're here." Halos manlumo ako at bumalot sa akin ang kaba.

Napatingin nalang ako kay Nacio na seryosong nakatingin lang sa paparating na mga sundalo.

Nang makalapit ito ay puwersahan nila kaming pinaghiwalay, "Who gave you the permission to take her? You don't own her! This can be reported as kidnapping." sambit ni Nacio na ngayon ay nanlilisik na nakatingin sa mga sundalo.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now