Kabanata 38

3K 137 1
                                    


Naglakad lang kami patungo sa tahanan nila Marina.

Maaliwalas ang paligid. Sumasabay sa pagsayaw ng hangin ang mga puno. Tirik ang araw, ngunit hindi ganoon kainit hindi katulad sa panahon ko, na nakaupo lamang, pero tagaktak na ang pawis.

Napakaganda ng kapaligiran, ng kalikasan ito ang panahong hindi pa ito nadudungisan. "Kay sarap pagmasdan," sambit ko at napatingin kay Nacio na tahimik lang.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko, tumango naman siya at ngumiti. "Oo ba, basta't nasa piling mo," Ngumiti siya ulit ngunit malulungkot at kakaiba ang sinasabi ng mga mata niya.

"Ang lahat ng ito ay malalampasan din namin, malalampasin din natin." Sambit ko habang nakatitig sa kanya. Patuloy naman sa pagsayaw ang mga puno sa aming paligid kasabay ng mga tunog ng ibon.

Akmang maglalapit ang aming mga labi ng biglang may magsalita, "Na'ko nga naman ang mga batang nag-iibigan ngayon tila napakamapupusok." Ani ng isang Ale na nakabisikleta at nagtitinda ng mga kakanin.

Sabay naman kaming napaiwas ng tingin ni Nacio at nagtawanan.

Sinalubong kami ni Marina sa aming pagdating sa kanilang tahanan. Gulat na gulat naman siyang makita ang kaniyang pinsan.

"Totoo bang ikaw 'yan o ako'y tulog at nananaginip lang?" Sabay pisil niya ng pisngi ng kaniyang pinsan.

"Ako ito pinsan, pinapasundo ka nga pala ng iyong sinisinta," Muli namang nanlaki ang mata ni Marina, "Aba't naririto rin si Rheden?"

Agad naman naming nasilayan ang pamumula niya at pagkinang ng kaniyang mata. Ang simpleng mga ekspresyong ganito ay nakakapawi ng lungkot at problemang aming dala-dala.

"Osha, magbibihis muna nako at mag-aayos sandali." At nagmadali na itong umakyat sa kanyang silid, "May iaayos pa ba iyan?" Tukso ni Nacio kay Marina ngunit tila nalunod ito sa pagkasabik at hindi napansin ang asar ng kanyang pinsan.

***

Hindi na nagpahatid si Marina saamin. Nagtawag nalang ito ng kutsero. Pagkaalis ni Marina ay agad kaming nagtungo sa kanilang hardin at sa puntod ng kanyang Ina. Malayo pa lang ay amoy na amoy na ang halimuyak ng bulaklak ng carnation na tila ba nagagalak ito sa aming pagdating.

"Ina, malayo palang ay ramdam ko na ang iyong presensiya. Alam kong alam mo ang kinahaharap kong suliranin ngayon." Sambit ni Nacio habang tahimik naman akong nakikinig sa isang tabi.

"Narito nga pala Ina ang babaeng tunay na nagpapatibok ng aking puso. Nais kong ibigay sa kaniya ang pinamana mong singsing na siyang iibigay ko sa babaeng nais kong makasama habang buhay." Pumitas siya ng isang carnation at agad na binigay ito sa akin. Napapunas ako ng luha sa pagkagalak habang abala naman siya sa pagkuha ng isang bagay sa bulsa niya.

Ilang sandali pa ay inilabas niya ang box na animo'y mukhang chest na ikinagulat ko. Ito ang eksaktong chest box na ibinigay sa'kin ni Ian ngunit kung ibinigay ito kay Lola Ayla ay bakit nasa Lolo niya ito napunta?

"Felicita, ayos ka lang ba?" Nanginginig akong tumango. "Napakasaya ko lamang, hindi ko ito inaasahan." Agad na kinuha ni Nacio sa chest box ang singsing at inisuot ito sa akin.

"Felicita, nais kitang makasama habang buhay." Halong-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nangangamba ako sa maaaring mangyari. Ngunit alam kong may kakayahan na ako ngayon na baguhin ang kapalaran at hangga't maaari nais kong hindi ito humantong sa kapalarang sinapit ng aking Lola...

Sa sinapit ko, ngayon alam ko na.

Ako at si Lola Ayla ay IISA.

Napabitaw ako kay Nacio, at nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa ang paningin ko ay unti-unting nagdilim.

"Felicita"

***

Napabangon ako sa kama, at agad na hinimas ang nananakit kong ulo. Agad namang naglibot ang paningin ko sa paligid. Teka hindi ito mukhang kwarto sa tahanan nila Marina kung ganoon kaninong bahay ito?

Napabalikwas ako sa kama ng biglang may marinig na hindi pamilyar na mga yapak. Napapikit nalang ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Oh she's not yet awake." Bumilis ng tibok ang puso ko sa kaba ng marinig si George na magsalita. Ang huling pagkakaalala ko ay kasama ko si Nacio. Panaginip lang ba ang lahat?

Hindi ko na mapigilang buklatin ang aking mga mata at masamang tiningnan si George. Kasabay no'n ay agad kong tiningnan kung nasa kamay ko pa ang singsing.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ito.

"Felicita, alam kong hindi ako ang iyong hinahanap. Ngunit bumalik na sa babaeng papakasalan niya ang lalaking nais mong makita." Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang muka ko. Iniwas ko naman kaagad ang muka ko sa kan'ya.

"Hindi ako naniniwala. Uuwi na ako" Inialis ko ang kumot at nanlaki ang mata dahil iba na at napakanipis na bestida lamang ang suot ko.

"Anong ginawa mo?" Nanginig akong tinakpan ang buong katawan ko.

"'Wag kang mag-alala wala akong ginawang masama sa'yo pagkatapos nalang ng ating kasal mangyayari ang nasa isip mo." Sabay kindat nito sa akin. Kinilabutan naman akong at inihagis ang unan sa kanya.


"Nga pala, saan ka pa uuwi? Wala na ang inyong tahanan." Napatulala na lamang ako sa pagkabigla. "Ano ba'ng pinagsasabi mo? Nahihibang ka na naroroon pa ang aking Kuya at Ina." Naglakas loob na akong tumayo sa kama. Hindi ko na alintana ang napakanipis kong suot. Ang nais ko lang ay mawala na sa paningin ko si George.

Hindi pa ako nakakarating sa pinto nang mahawakan ni George ang palapulsuhan ko at niyakap ako sa likuran. "Pakasalan mo lamang ako at maibabalik lahat ng inyong pag-aari." Nanginig ako sa takot at diri ng biglang maramdaman ang labi niya sa aking tainga.

Itinulak ko siya nang aking buong makakaya, ngunit hindi ko mapantayan ang lakas na mayroon siya. 

Halos sumpain ko si George sa aking isip, walang humpay na rin sa pagtulo ang aking mga luha. Natigilan lang siya nang biglang may kumatok sa kwarto.

"General the clothes of Ms. Felicita is ready." Dahan-dahan niya akong binitawan at binuksan ang pinto. Nagulat naman ang tagapagsilbi sa hitsura ko na umiiyak. Magsasalita na sana siya ng bigla akong napatakbo palabas. Binaybay ko ang bawat pasilyo makalabas lang. Hindi naman ako nabigo ng makita ang kusina na may daan palabas.

Ilang tagapagsilbi naman ang takang nakatingin sa 'kin. Ngunit ang pagkasuklam at pandidiri lamang ang tangi kong naiisip at hindi ko na sila napansin.

Nakayakap lang ako sa aking sarili. Tahimik na naglalakad sa kalsadang hindi ako pamilyar nang biglang may humablot sa 'kin patungo sa damuhan. Ilang mga halaman ang bumalot sa amin.

Agad akong kinabahan at kinagat ang daliri ng taong nakayakap sa sakin.

"Felicita, ako ito." Napahagulhol nalang ako nang makita si Nacio.

--

Next update on friday! :) Maraming salamat sa pagbabasa.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now