Kabanata 45

2.8K 106 10
                                    


"Sino ho kayo?"

Nalaglag nalang ang basong hawak ni Rheden sa sinabi ng kapatid.

Matapos nito ay napanganga lang si Rheden. Ilang din minuto ang lumipas bago ito natauhan at kinuha ang mga nalaglag na babasagin staka itinapon ito.

"Ser-yoso bang wala kang maalala?" sambit niya nasa may tabi na siya ngayon ng kama.

Unti-unti namang napangiti si Felicita at naglabas ng kaniyang dila. "Biro lang!" sambit niya at napahalakhak.

"Makakalimutan ba kita kuya. Amoy mo palang kilalang-kilala ko na."

Nasapo nalang ni Rheden ang dibdib niya at napabuntong hininga. Mababatukan niya nang 'di oras ang kapatid.

"Nako, ikaw talaga! Aatakihin ako sa puso sa ginawa mo."

Napapalakpak naman si Felicita, "Solid! P'wede na akong mag-artista!"

Patuloy lang si Felicita sa pagtawa, habang tahimik lang nakatingin sa kaniya si Rheden.

"Sorry na kuya. Hindi ka naman mabiro. Penge ngang yakap diyan."

Kaagad naman siyang niyakap ni Rheden. Kasabay din nito ang pagdating ng mga doktor. Pinalabas muna sila Rosella at Rheden.

Ilang minuto silang tahimik na nakaupo.

"Salamat sa diyos at nagising na ang iyong kapatid," sambit ni Rosella hindi na niya napigilan ang maluha. Napayakap naman sa kaniya si Rheden.

Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang mga doktor.

"Maayos naman ang pagsasalita ng inyong anak maging ang mga responses niya, hindi na natin kakailanganin ng speech therapy. May mga pagkakataon lang na minimal ang conciousness niya sa kaniyang paligid, epekto ito ng brain trauma na maaaring tumagal ng isang buwan. Ang tanging problema lang ay hindi niya magalaw ang kaniyang mga paa at tila manhid pa ito. Maaari pa itong maibalik sa dati, kailangan niya lang sumailalim sa physical therapy na aabutin din ng ilang buwan depende sa bilis nang pagrecover niya."

Nakahinga na lang nang maluwag si Rosella. "Maraming salamat naman at wala masyadong komplikadong epekto na nangyari sa kalagayan niya. Gawin n'yo po ang lahat maibalik lang ang anak ko sa dati."

"Pangako ho, Mrs. Rosella. Malakas ang inyong anak, naniniwala kaming mabilis ang magiging recovery niya."

Napangiti nalang si Rheden, at napayakap naman si Rosella sa kaniya.

***

Pagkalipas ng limang buwan

"Felicita, anak tara na. Wala na tayong aabutan na sariwang isda at gulay sa palengke," sambit ni Rosella na dala na ang dalawang bayong. Nakaluwag-luwag sila ngayon dahil sa malaki ang kinita ni Florentino sa sakahan.

"Ito na po Ina. Sabik na rin ako na muling makatikim ng isda!"

Puro gulay at prutas kasi ang laging kinakain nila nitong mga nakaraang araw. Do'n lang din kasi sila nakakatipid dahil nakapalibot lang ang mga tanim na gulay at prutas sa kanilang bakuran. Ang ibang tanim ay hiningi pa ng kaniyang ama sa kapwa nito magsasaka.

"Mag-iingat kayo ha," sambit ni Florentino. Kaagad namang yumakap sa kaniya si Felicita, "Opo, 'Tay kain ka lang muna ng nilagang mais. Konting tiis lang at may isda na tayo mamaya!"

Hindi maitago ang pagkasabik nilang tatlo. Hindi nila pinapahalagahan dati ang mga bagay na mayroon sila.  Hindi rin nila akalaing napakalaking bagay nito para sa ibang tao. Mga taong masaya na sa simple at maliit na mga bagay. Mga taong sila na ngayon.

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now