Kabanata 39

2.9K 132 4
                                    


Napatahimik nalang ako bigla ng may marinig na paparaang mga sundalong amerikano. "Where is that young man?" Sambit ng isa, "I think he's gone. It has been 5 hours, we better inform the General." papaalis na sana sila nang bigla pang magsalita ang isang sundalo.

"I don't think so, I've heard a rustle earlier somewhere. I can never go wrong. He could still be here." Ang ilang sundalo ay napabuntong hininga sa sinabi ng lalaki. "We are roaming around for like hours, we better rest for awhile." nagsalita naman ang iba nang pagsang-ayon.

"Yep, alright."

Nakahinga kami ng maluwag ng marinig ang mga boses nilang palayo na nang palayo.

Napatingin naman ako kay Nacio nang bigla siyang napaubo. Ngayon lang naging malinaw ang paningin ko dahil sa pagtuyo ng mga luha. At ngayon ko rin lang napansin ang mga pasa niya sa muka, maging ang kanyang labi ay dumudugo. May mga natuyong dugo rin sa kanyang pisngi maging sa kanyang damit.

Halos maluha ako sa awa at kaba. Ingat na ingat akong humarap sa kaniya para hindi lang makalikha ng tunog. "Anong nangyari?" maiiyak na sambit ko habang hinahaplos nang dahan-dahan ang muka niya.

Napapangiwi lang siya sa sakit. Unti-unti na ring namumutla ang mga labi niya. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Kung paano kami makakauwi sa paraang hindi makikita ng mga rumorotondang sundalo. Hindi rin pamilyar ang lugar. Wala ring ibang tao na makikita sa kalsada.

Isinandal ko na lamang si Nacio sa aking hita habang marahang hinahaplos ang buhok niya. Magkahawak naman ang isa naming kamay.

"Hindi ko nanaising umuwi na hindi ka kasama." napangiwi pa siya ulit.

"Ano ba'ng nangyari?" Napatahimik siya saglit, pawang inaalala ang mga pangyayari ilang oras na ang nakakaraan.

Agad na sinapo ni Nacio si Felicita dahil sa pagkahilo nito. Maingat niyang inaalalayan ang dalaga na makatayo ngunit nawalan na ito ng malay. Itinabi niya muna sa kanyang bulsa ang chest box at binuhat ang dalaga papasok sa bahay.

Hindi napansin ni Nacio ang tatlong taong nasa sala kaya't gulat na gulat siya nang makita ito, ngunit hindi na siya maaaring makapagtago.

Nasa kanyang harapan sila Señor Florentino, General Mcdermott, at ang Tatay ni Marina at kanya ring Tito na si Señor Arturo.

Napangisi si General Mcdermott habang wala namang reaksyon ang dalawa.

"Call my soldiers," utos ng heneral sa isang tagapagsilbi. Dali-dali namang sinunod ang pinag-uutos nito na may halo pang pagkataranta.

Tila naistatwa naman si Nacio sa kan'yang pwesto. Nasa kan'yang mga bisig pa rin ang walang malay na si Felicita.

Ilang sandali pa, dumating na tatlong  mga sundalo. Napatigil muna ito sa tapat ng heneral isang tungo lang ay dali-dali na itong nagpunta sa harap ni Nacio.

Gulat namang napaisip si Nacio, 'Tila alam na agad nila kung anong gagawin' 

Inilapat ng isang sundalo ang kanyang mga bisig na nagsasabing kukunin nito ang dalaga. Ang dalawa namang sundalo ay nagtutok ng baril sa binata.

Tumingin si Nacio sa kanyang tito, humihiling na sana masambitan nito ang paghingi ng niya ng tulong gamit lamang ang kanyang mga mata, ngunit nag-iwas lang ito ng tingin.

"Give the young lady or we'll shoot you in the count of 3."

Nasa pangalawa't kalahating numero na ang mga sundalo nang biglang naglakas loob si Nacio na magsalita, "I'll give her, but where will you take her?"

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now