Chapter 11

290K 5.5K 171
                                    

11.


Joanne!! Sagutin mo ang phone! Daliiii!

Joanne!! Sagutin mo ang phone! Daliiii!

Joanne!! Sagutin mo ang phone! Daliiii!


Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa phone ko. What the heck! Ang aga aga nang iistorbo. Psshhh! For all that is holy it’s only 4:00AM. Goodness gracious.  Kinuha ko ang phone ko and answered it.

“What!?” Pasigaw kong sagot. Alam ko naman kong sino ang tumatawag. Pinalitan niya kasi ang ringtone at message tone ng phone ko after kaming manood ng movie 3 days ago para daw boses niya ang marinig ko incase tumawag or magtext siya. Pssshhh! Epal kasi.   

“Wow! I never knew that hello is now equilvalent to what?”

“What do you want Oca?Bakit ang aga aga nang iistorbo ka? Anong oras pa lang? Sabado ngayon, ito ang araw na gumigisaing ako ng tanghali, bakit kailangan mong sirain yun?”  

“Nagger!” And I heard him laugh.

“I am not a nagger damnit! Now tell me what you want at patulugin mo ako pwede?” Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

“Uh-oh. Now you are mad.”

“Just tell me what the hell do you want!” Don’t tell me tumawag lang siya ng ganitong oras para asarin ako! Malilintikan siya sa akin.

“Okay. Calm down. I want you to get up your bed and open your door because nasa labas ako. Kanina pa ako doorbell ng doorbell dito.”

“Ano ang ginagawa mo dyan?”

“Mamaya na ako mag eexplain. Just open your door.”

“Fine!” And I marched out of my room papunta sa living room para buksan ang door. Muntik pa akong matumba kasi natapilok ako sa rug. Nakapikit pa kasi ang mata ko.

“Bakit andito ka?” Sita ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Tumingin lang siya sa akin na parang natutulala. Tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Whoah! Nice!”  He said grinning. I looked at myself only to realized na hindi man lang ako nagbathrobe. I’m only wearing a bra and a very short short called boxers. Damn!

“Shit!” Tapos tumakbo na ako pabalik sa room ko, leaving Oca  sa may pinto. Wala na akong pakialam kung isipin man niyang wala akong manners. Besides hindi naman sa bisita. Ilang beses na siyang nakapunta dito.

“Maligo ka na din! May mga morning glory ka pa at mukhang binagyo ang buhok mo!” Pahabol pa niya bago ako makapasok sa room. After a while I found myself taking a bath. Gusto kong mawala ang kahihiyan ko kanina. I wanted to stay longer sa shower.

“Oi Joanne! Bilisan mo nga. Maligo lang ang tagal tagal pa!” Then I heard the closing of my bedroom door. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis ng t-shirt at short. Lumabas ako ng living room and I found him sitting on my couch,watching on my tv, eating my bread, drinking my coffee using  my favorite cup.

“At home na at home ah!” I hope he could sense the sarcasm.

But I failed. He smiled at me instead. “May coffee na dun sa dining table and I toasted some bread. You can have some.”  I looked at him at umiling. Wala talaga siyang hiya. Imagine he is inviting me to eat in my own home na parang ako ang bisita at siya ang may ari. The nerve talaga. 

“Why are you here?” I said crossing my arms in front of him.

“Sinusundo kita. Kaya you better have your coffee and your bread and then you can pack some of your clothes and some stuffs.” Anong pinagsasabi nito?

“Sinusundo? Bakit may usapan ba tayo na aalis tayo?” I couldn’t remember na nag usap kami na may pupuntahan kami.

“Kaya nga sinusundo kita. Kung may usapan tayo eh di hindi na kita sinundo. Aishhh! Alam mo bilisan mo na kaya just wear sneakers. Matatraffic tayo dahil sa kabagalan mo.”

“Saan ka ba pupunta at kailangan pa akong isama? Istorbo ka talaga eh noh?”

“Magjojogging tayo. Ang taba mo na kasi kaya naisipan kong I exercise ka. Para maganda ang performance mo.” He said and sipped his coffee. Napaisip ako sa sinabi niya. Hmmm.. Hindi naman ako mataba ah. At anong performance ang pinagsasabi nito?Pero kunsabagay medyo matagal na rin akong hindi nag exercise. Hindi naman masama kung magexercise di ba? Minsan may pakinabang din itong si Oca. 


“Okay! Magandang idea yan. Sana sinabihan mo ako kahapon at hindi yung nanggugulat ka. Wait I’ll just change…”

“No need. Okay na yan. Just wear sneakers and bring a shade.”

“Okay!” Then pumunta na ako sa room ko at naglagay ng powder, towel, shade at kung ano ano pang pangkikay sa maliit na knapsack ko. Pagkalabas ko ininom ko lang ang coffee na hinanda niya at kinain ang toasted bread. After that lumabas na kami at sumakay sa kotse  nyang pahiram DAW sa kanya.

“Saan tayo magjojogging?” I asked him while I munched some M&Ms na nakalagay sa dashboard ng kotse niya. 

“Dyan dyan lang. AT wag mong ubusin ang chocolate ko. Ang takaw mo talaga.”

“Hmp! Ang damot! Makatulog na nga lang. Gisingin mo na lang ako pag nakarating na tayo.”

“Ganun? Gagawin mo akong driver?”

“Sino ba ang gumising sa akin ng madaling araw?”

“Oo na,  ako na. Matulog ka na lang. Nagger!

“I am not a nagger…


“Pssshhhh… wag maingay may natutulog.” Inirapan ko lang siya at pinikit ko na ang mga mata ko.


3 years later….


Joke! Nagulat kasi ako dahil may maingay.

“Pare ang tagal niyo naman!”

“Pwede wag kayong maingay? Kitang may natutulog eh!” I heard na may nag sshhhh… sssshhhh…Teka, dumating na ba kami? Bakit ang daming tao ata? Binuksan ko unti unti ang mata ko.

“Kita niyo na? Nagising tuloy!”

“Sorry po!”

“Sorry po!” I heard murmurs at the backseat. Lumingon ako kung sino ang mga lalaking nasa backseat. And I saw 3 equally handsome guys smiling at me.

“Hi! Pasensiya na maingay kami.” He said smiling at me.

“Okay lang. Sama kayo sa pagjojogging?” Nagcacarpool pala si Oca.

“Jogging?” Sabay sabay silang tatlong nagulat.

“Oo di ba magjojogging tayo?  Saan ba tayo magjojogging?” Tapos bigla silang tumawang tatlo.

“Saan nga ba tayo magjojogging pare?” Tanong nung lalaking may dimples kay Oca.

“Dyan dyan nga lang.” At tumawa na naman silang tatlo. Anong nakakatawa. I looked at all of them. Yung tatlo tumatawa at nagbabatukan. Si Oca nakangiti. At bakit nasa NLEX KAMI? Tangna!

“Tangna Oca! Saan tayo pupunta?” Biglang tumawa nanaman yung tatlo.

“Hindi ba niya alam pare?”

“Obvious ba Jason? Kaya nga nagtatanong si Joanne eh.” Bakit kilala niya ako?

“Sa Pampanga.” He said smiling. Ngiting mas maliwanag pa sa papasikat na araw.

“Pampanga? Magjojogging tayo sa lahar?” At tumawa silang apat sa outburst ko.

“Pwede ka namang magjogging pero pwede din maglakad.”

“Prangkahin mo nga ako! Anong gagawin natin sa Pampanga? At bakit kasama pa ako?” Taena naman kasi.

“We’re climbing Mt. Pinatubo.” Napamulagat ako sa sinabi niya.

“What!?” Damn it! Hindi nga ako naghahagdan sa office tapos paakyatin niya ako sa bundok? Anong klaseng pag iisip meron itong si Oca.

“Never pa akong nakaakyat sa bundok. Why the hell na sinama mo ako?”

“Eh di dapat pasalamatan mo ako kasi pina experience ko sa’yo. Alam mo minsan masarap din na maging close ka sa nature. It a very different experience being close to natu….”

“Shut Up! I’m not coming! Ibaba mo ako dito. Ayokong sumama. Ibaba mo ako!Matutulog pa ako! Magsashopping pa ako mamaya.” Okay Joanne DOn't Panic. Calm Down. You can kill him later.

“No way!

“Yes way!”

“No way. Sasama ka sa amin whether you like it or not.”

“Ayokong sumama! This is kidnapping. I’m going to sue you.”

“You are no longer a kid so this is not KIDnapping.”

“Then this is girlnapping or ladynapping or whatever you may call it. Basta I’m going to sue you.”

“Girlnapping and ladynapping is not a criminal offense. So you cannot sue me. And besides sumama ka naman kanina ng kusa sa akin.” 

“Damn you!”

“I love you too.”

“Shut Up!”

“LQ?”

“Jason bakit ang slow mo? Kanina pa kaya”

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Where stories live. Discover now