chapter 44

1.7K 34 0
                                    


Tumayo ang mga magulang ni Aidan ng makita nila kaming papasok na. Nakatingin naman ako sa mga kasama nila. Muli akong nakaramdam ng kaba ng makita ko kung gaano sila kadami. Napahigpit tuloy ang kapit ko kay Aidan.

"Relax,mahal. I am here,if you're feeling uncomfortable we'll go home. All you have to do is tell me."bulong niya.

"Mga anak,mabuti dumating kayo. Ang ganda ganda mo anak."niyakap ako ni Mommy. Lumapit ako kay Daddy at yumakap. Nagpasalamat ako kay Mommy.

"You look stunning,anak."sabi ni Daddy.

Kimi akong ngumiti sa kanya.

"Thank you po,Daddy."

Napalingon kami ng maingay na pumasok ang mga pinsan ni Aidan. Nilapitan nila si Aidan at sinuntok sa braso.

"Come on,man. Anong klaseng pagpapakilala yun? Ni hindi mo sinabi ang pangalan namin kay Claudia."ani nung isang naka-sweatshirt. Kumindat siya sa akin ng makita niyang nakatingin ako.

Nanlaki ang mata ni Mommy ng suntukin ni Aidan sa tiyan ang pinsan niya.

"Ouch!"

"Aidan!!"

"Oh my God!"

Tumayo yung isang matandang lalaki at tumatawang tinapik ang balikat nung nasuntok ni Aidan bago nilapitan si Aidan at pabirong sinuntok ang braso nito.

"Easy,son! Though I can't blame you,just take it easy."dinig kong sabi niya kay Aidan.

Samantalang yung tatlo pa niyang pinsan ay tawa naman ng tawa. Sinakal pa nga nung isa yung nasuntok ni Aidan na hanggang ngayon ay namimilipit pa.

"What was that for? Fuck! It hurts big time,man!"nakangiwi niyang tanong kay Aidan.

"Gago! Nagtanong ka pa talaga. Basta ka na lang kasi nangingindat."sabay hagalpak uli ng tawa nung tatlo.

"W-what? That was it? Para kindat lang?"

Hinawakan ko ang kamay ni Aidan ng mapansin kong mukha na naman siyang susugod.

"Aidan,ano ba?"I hissed.

Napatingin naman siya sa akin. He kissed my forehead then he sighed heavily.

"I'm sorry,mahal"malambing niyang sinabi.

Napaubo naman sina Mommy at Daddy sa aming likuran.

"Aahhm,sorry for that. Alam niyo naman itong mga ito brutal kung magbiruan."tumatawang sabi ni Mommy." Upo na kayo,mga anak."itinuro ni Mommy ang dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Daddy. Ipinaghila ako ng upuan ni Aidan bago siya naupo.

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon