chapter 31

1.9K 40 0
                                    

Kasalukuyan kaming nanonood ng TV ni Aidan. Magkatabi kami sa mahaba niyang sofa dito sa living room pero hindi ko alam kung bakit dikit na dikit siya sa akin eh sabi ko nga ang haba ng sofa. Nagsimula kami sa kabilang dulo pero ng dahil sa kauurong ko malapit na kami sa kabilang dulo naman ng sofa.

"Hala,Aidan ang lawak lawak ng upuan siksik ka naman ng siksik sa akin."sabi ko.

Hindi sa ayaw ko siyang makatabi. Gusto ko nga yun eh...gustong-gusto...kaya lang kasi parang sobrang init ng katawan niya ngayon. Basta iba ang dating sa akin ng init ng katawan niya. At saka hindi pa kasi kami nakakapag-usap ng maayos tungkol sa mga sinabi ni Charlotte. Panay naman kasing siya lang ang nagsalita kanina,ni hindi ko man lang ito narinig na magkomento kahit na isang salita. Halik lang ng halik at yakap ng yakap. Panawa ng tyansing eh!

"I love being close to you!"hinapit niyang muli ako palapit sa kanya. Kumindat pa siya.

"Heh! Tumigil ka nga! Mag-uusap tayo. Huwag ka ngang panay ang dikit sa akin."saway ko. Lumayo ako ng konti sa kanya at pinagpag ko ang pagitan namin." Diyan ka lang! Kanina ka pa panay ang tyansing sa akin ha! Sinasamantala mong nandito si Charlotte. Pasaway ka talaga!"

Sa halip na mainis eh tumawa pa ang gunggong. Humalukipkip siya habang tumatawa. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanyang mga braso.

My God! Ang muscles! Nakaka-ewan!

"Really baby!? Sa tingin mo papatulan ko 'yang distansiyang 'yan?"inginuso pa niya ang parteng pinagpagan ko.

Inirapan ko lang siya.

Susme! Bakit ang gwapo niya po talaga kahit na nakanguso pa siya. Para siyang nanghihingi ng halik. At konti na lang po kusa ko ng ibibigay yun.

"Mag-uusap nga tayo! Kaya huwag ka munang dumikit-dikit sa akin."

"So mamaya pagkatapos nating mag-usap pwede na?"punung-puno ng kapilyuhan ang kislap ng kanyang mga mata.

Nanlaki ang aking mata.

"Okay,baby! Ask questions, tell me what's on that beautiful mind of yours after all the things that Charlotte had said. Sasagutin ko lahat lahat ng tanong mo basta yung sinabi mo ha?! Pwede na uli akong dumikit sa iyo pagkatapos nating mag-usap."halos hindi na ako makasingit sa mga sinabi niya. Hinagilap niya ang remote ng TV at pinatay ito.

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now