chapter 21

1.7K 34 0
                                    


"Wow! Bigtime ka na talaga,Tom-tom! Ang gara ng wheels mo."pumalakpak pa ako at hinaplos ang kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung anong klaseng sasakyan ito but by just looking at it you'll know it's expensive.

Umangat lang ang gilid ng kanyang labi. Tila ba tuwang tuwa siya sa nakikita niya.

"I am just wondering pang-ilang babae na kaya akong naisakay mo dito no?". Curious lang ako kasi gwapo naman kasi talaga kasi si Thomas lalo na ngayon na unang tingin ko pa lang sa kanya kanina nakita ko na kaagad ang mga pisikal na pagbabago sa kanya. Kung noon ang ganda ng katawan niya ngayon mas lalo pang gumanda ang katawan niya. Palagi siguro ito sa gym. Kapag nakita talaga ito nung mga naging kaklase niya nung college lalo lang mababaliw sa kanya. He was a heartthrob back then ano na kayang maitatawag nila sa kanya ngayon.


"Why? Are you jealous?". Nakangisi niyang tanong.

Umirap ako.

"Selos agad? Hindi ba pwedeng curious lang! Ang assuming mo talaga,Thomas."

Biglang pumormal ang kanyang mukha.

"Sabi ko nga! Barado na lang palagi ako sa iyo."nakasimangot na siya ngayon.


Tumawa na lang ako at nag-peace sign sa kanya. Isang matinding irap naman ang ibinalik niya sa akin.


Nakaakbay sa akin si Thomas habang papasok kami sa mall. I didn't mind naman kasi ganito na kami noon pa.

"Where do you want to go first?"


Tumingala ako sa kanya. Mahina akong umiling.

"Honestly hindi ko alam. Hindi kasi ako prepared na mag-mall gusto ko lang talaga mag-mukmok sa bahay."sabi ko.

"Mukmok my ass!"natatawa niyang tugon." Ang lupit mo talaga sa mga salita no? Ngayon ko na lang uli narinig yang mukmok na yan".


Hinampas ko siya.


"Ang yabang mo kamo! Palibhasa engot ka sa mga Tagalog na salita". Natatawa naman siyang umiwas sa hampas ko.


"Aray naman! Ngayon na nga lang uli tayo nagkita mapanakit ka pa rin,Claudia! natatawa pa rin niyang reklamo.


CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now