chapter 22

1.7K 37 0
                                    

Madilim na halos ng lumabas kami ni Thomas sa mall. Pagkatapos kasi naming kumain nagkasundo na lang kaming manood ng sine at nakadalawang movie pa kami.


"Are you sure na okay na itong pagkain na dala natin para kay Ali?"

I rolled my eyes. Pang-ilang tanong na kasi niya ito sa akin. Ali texted me earlier kung nasaan daw ba ako. She seem so worried base na rin sa text niya. Nakalimutan ko kasi siyang itext kanina na lalabas ako. At saka hindi rin niya yata alam na dumating si Thomas. Nag-reply na lang ako sa kanya na lumabas lang ako with a friend and sinabi ko rin na huwag na siyang magluto ng hapunan dahil kami na ng kaibigan ko ang bahala. Nag-okay naman siya.

"What? I'm just asking,bakit ang sungit mo na naman?"

"Eh paano naman kasi pang-ilang tanong mo na kaya yan sa akin? At kanina ko pa rin sinagot na oo nga,okay na yan!"

"Tsss! Pasensiya na tao lang! Nakakasungit ba talaga kapag bigo sa pag-ibig?"

Dahil sa sinabi niya ay binatukan ko siya.

"Aray! Ang bayolente mo talagang babae ka!"hindi niya malaman kung paano hahaplusin ang batok niya dahil may mga hawak siyang paperbags.

"Ang insensitive mo kasi! Wala ka talagang pakialam sa feelings kong ungas ka!"inis kong sigaw sa kanya.


"Anong wala? Grabe kaya ang pakialam ko diyan sa feelings mo. Imagine nag-abala pa akong bumiyahe mag-isa pauwi dito para damayan ka tapos ganyan ka pa? Naman Clang-clang,ikaw nga diyan ang matagal ng walang pakialam sa feelings ko. Makasumbat ka diyan ha!"simangot na simangot niyang sinabi.

Hay naku!

"Ewan ko sa iyo! Ang sabihin mo,sinadya mo talaga ako dito para asarin. Kanina mo pa nga ako inaasar di ba? Feeling ko nga tuwang-tuwa ka na bigo ako sa pag-ibig."


CLOSER(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin