chapter 9

2.1K 44 0
                                    

"Sho baby phull me chloser in the bhackseat of y-your rhover that I knoww yhou can't afffhord.......


Kanina pa paulit-ulit na kinakanta yan ni Ali. Hindi ko na nga maintindihan ang mga pinagsasabi niya mula pa kaninang isinakay namin siya dito sa sasakyan ni Aidan. Hindi gaya nung last time na tulog siya ngayon naman gising na gising siya at panay ang kanta.


"Girl,alam mo ba may nakita ako kanina. ,humahagikhik na sabi niya. Bumangon siya ng konti at kumapit sa aking upuan.


"Habang abala kayo kanina sa paglalaplapan may isang halos mamatay na sa inggit sa ginagawa niyo. ,humagikhik siyang muli. Bumalik siya sa kanyang upuan.

Napatingin ako kay Aidan. Para siyang timang na nakangiti habang nagmamaneho na gamit lamang ang isang kamay at isang kamay ay pahaplos-haplos sa kanyang labi.

"Oh my God, girl! Kung nakita mo lang kung gaano ka-epic yung inggit na naka-plaster sa pangit na face nung girl. ,mukha siyang bata na natatakam sa ice cream na hindi niya pwedeng matikman kasi ambisyosa siya. ,humagalpak pa siya ng tawa. ,


"Ali,ano ka ba?. ,nilingon ko siya.

Umupo siya ng tuwid.

"Ay naku,girl! Basta nakita ko talaga yun,ingat ka kasi sa pagkakakilala ko sa babaing yun,desperada yun! Kapal ng mukha nun eh! Mukhang masama ang tama dito sa boylet mo. ,itinuro pa niya si Aidan na ngumisi lamang.

"Kung anu-ano namang sinasabi mo,Ali. Bakit ba kasi naglalasing ka?. ,sabi ko.

"Hindi nga ako lasing,nakainom lang! Alam ko kung anong nakita ko no?!

"Oo na nga lang!. ,sabi ko na lang para matapos na ang usapan.


"Ang kulit niyong dalawa!. ,naiiling na sabi ni Aidan.


CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now