chapter 39

1.7K 33 0
                                    

"My God, Thomas you're so shunga talaga!"

"What? What did i do?"

Katakot-takot na irap naman ang ganti sa kanya ni Charlotte. Inagaw niya ang platong dala ni Thomas. Punong-puno kasi ito ng tiramisu.

"Dessert ito shunga! Hindi ito main course eh sa kakukuha mo mauubos na,jumbagin kaya kita diyan!"

Napangiwi na lang si Thomas ng paluin ni Charlotte ang kamay niya. May hawak kasi siyang kutsara at malamang kukuha siya nung tiramisu kaya lang mabilis ang mata nung isa kaya nahuli din siya.

Weakness kasi talaga ni Thomas ang mga dessert kaya ganyan yan. Mabuti na nga lang hindi siya nananaba. Macho pa rin siya. Kanina ko pa sila pinagmamasdang dalawa habang nagbabangayan. Simula ng kupkupin ako ni Thomas palagi na rin dito si Charlotte. Sabi niya nasa akin na daw ang loyalty niya. Pasalamat na nga lang daw si Aidan na hindi pa siya nagsasalita sa mga magulang nito. Hinahanap na daw kasi ako ng Mommy ni Aidan. Kaya mas mabuti na lang daw na dito siya magtambay kaysa maging visible sa paningin ng Mommy ni Aidan. Nahihirapan daw kasi siyang sabihin ng paulit-ulit na hindi niya alam kung nasaan ako at kung anong nangyari sa amin ni Aidan. Almost three weeks na rin kasi mula ng nangyari sa parking lot ng mall. Dito ako nakatira sa condo ni Thomas. Actually dalawa ang condo ni Thomas at dun ako nakatira sa kabila,magkatabi lang kasi yung dalawang condo niya. Gusto ko pa sanang matulog kaya lang si Charlotte bigla na lang inabala ang tulog ko kasi makikikain daw kami kay Thomas. Sa ilang linggo kong kasama itong dalawang ito hindi ko talaga magawang magtanong kung anong meron sa kanila. Honestly ang cute nilang dalawang  magkasama. Panay lang ang bangayan nila. Parang hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi sila nagtatalo. Pati tuloy ako ganun na rin ang pakiramdam. Sa halip na awatin ko sila sa mga walang kakwenta-kwenta nilang pag-aaway pinapanood ko na lang sila. Magaling lang naman si Thomas sa simula,panay naman kasing si Charlotte ang panalo. Under nga si Thomas.

"Thomas nga, isa!"

Natatawa na lang si Thomas na umupo sa kabisera. Kinindatan pa niya ako.

"Tulala ka na naman,Clang. Miss na miss mo na ano?"

Binato ko siya ng ubas.

"Utot mo,Thomas!"

"Asus! Kunwari ka pa kasi. Akala mo hindi ko alam na kapag wala kang ginagawa sa opisina,ini-stalk mo siya sa facebook at saka sa IG. In love na talaga si Clang-clang."

Nag-init ang aking mukha. Kung bakit naman kasi hindi ko man lang namalayang nasa likod ko pala siya. Nahuli niya akong tinitingnan ang mga social media account ni Aidan. Nagtatrabaho na kasi ako sa kanya bilang secretary niya.

"Tigilan mo ako,Thomas. Kapag di ka pa tumigil diyan itong plato mo na ang ibabato ko sa iyo."

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon