chapter 43

1.8K 32 0
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan si Aidan na hindi malaman kung papaano mangangatwiran sa Mommy niya sa cellphone.

"Pero Mom.....there's no need for that. Ayaw ni Claudia nang mga ganyan. Mommy naman....."nakasimangot niyang pangangatwiran sa kanyang ina. Tumingin pa siya sa akin sabay hugot ng malalim na paghinga.

"Okay,Mommy....i'll tell her. Tulog nga po. Opo! Opo! Sasabihin ko kapag gising na siya. But i'm telling you,Mommy i'm just gonna try. Kapag ayaw niya hindi ko po siya pipilitin."nakangiwi niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tenga." Mommy nga......maka-sigaw ka po! Sabi ko naman sa inyo,ayaw ni Claudia ng mga ganyang party. Bakit po ba kasi party? Hindi po ba pwedeng simpleng dinner na lang?" Aidan look at me apologetically.

I sigh. Tumawag kasi ang Mommy niya para sabihing mag-o-organize siya ng party para sa aming dalawa. Family member lang naman daw ang invited. Para naman daw opisyal na akong maipakilala ni Aidan sa kanyang pamilya nang sa ganun daw eh malaman na ng lahat na matino na ang anak nila. Na nakatagpo na ng anak nila ang kanyang katapat.

Nang sabihin yun ni Aidan kanina panay talaga ang iling ko. Hindi sa dahilang ayaw kong makilala ang pamilya niya pero kasi sa tingin ko masyadong magarbo ang party para ipakilala ako. Nang sabihin naman ni Aidan na ayaw ko nagalit sa kanya ang Mommy niya at gusto pa nga akong kausapin kaya nga sinabi na lang ni Aidan tulog ako kahit na nga alas-nuwebe na ng umaga.

Napatingin ako kay Aidan ng yakapin niya ako kahit na kausap pa niya ang Mommy niya sa cellphone.

"I think that's a much better idea,Mommy. Party is too extravagant sinasabi ko sa inyo,Mommy. My woman is simple,she wouldn't like that party,Mom. Hindi sa dahilang hindi siya nababagay sa mga ganung pagtitipon. Sa ganda ng asawa ko,Mommy kahit saan mo ito dalhin for sure she would always stand out but what can I do?your son is in love with a simple yet the most beautiful woman God has created."napapikit ako ng hagkan niya ako sa noo. Narinig ko tuloy ang halakhak ni Mommy.

CLOSER(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz