chapter 11

2.1K 37 0
                                    

Hindi ako mapakali habang nakikita kong papalapit na kami sa aming lugar. Muli kong sinulyapan ang lalaking nasa aking tabi. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.


Ngumiti siya ng matagpuan ang tingin ko sa kanya.

Bumuntong hininga ako at sumulyap sa daan.

Paano ba kami napunta dito?

Ang naalala ko lang kasi sa sobrang hiya ko sa kalagayan namin kanina nahila ko siya pabalik sa bahay. Naabutan namin si Ali na abala sa paghahanap ng isang pares ng sandals na gagamitin niya para sa pagpasok sa trabaho.

Nagtaka siya ng makita kaming magkasama eh ang akala niya nakaalis na ako pauwi sa amin. Doon nalaman ni Aidan na uuwi pala ako. Nakanguso siyang nagtatampo sa akin kanina. Buong akala pa naman daw niya excited ako para sa date namin kaya maaga akong nakahanda yun pala may iba akong lakad. Sabi pa niya mabuti na lang daw pala at maaga siyang nagpunta sa amin kung hindi pala hindi na niya ako maaabutan.


Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya. Paano natatawa ako sa mukha niyang nakangusong nakasimangot. Si Ali nga hindi na pinigilan ang pagtawa at ang lalaking ito hindi na talaga nahiyang ipakita sa harap ng kaibigan ko ang pagkabaliw niya.

Napahinuhod ko lang siya ng pumayag ako sa kagustuhan niyang sumama sa akin pauwi. Nung una niya kasing sabihin na sasama siya grabe talaga ang iling ko at dahil dun nadagdagan daw ang tampo niya sa akin. Gustong gusto pa naman daw niyang makilala ang family ko tapos ako umaayaw.

Ang isip bata talaga!

Napailing iling ako sa aking naisip.


"Baby,what are you thinking?". Parang kiniliti ang mga insekto sa aking tiyan ng dalhin niya ang aking kamay sa kanyang labi at paulit-ulit itong hagkan. Hininto niya ang sasakyan at seryoso siyang tumitig sa akin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay."Huwag kang mag-alala pananagutan ko ang nangyari sa atin. Hinding hindi kita pababayaan. Kung sakaling magbunga ang nangyari sa atin,pananagutan kita."


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong sinasabi nitong lalaking ito? Anong nangyari sa amin? Anong pananagutan?

Nakatitig lang ako sa kanya. Puno ako ng pagkalito. Siya din naman seryosong nakatingin sa akin. Pero hindi nakaligtas sa akin ang kislap ng panunudyo sa kanyang mga mata. Nakita ko rin ang pagkagat niya sa kanyang labi na tila ba pinipigilan niya ang matawa sa sitwasyon namin.


Saka ko lang na-realize pinagti-tripan ako ni Aidan.


Hinampas ko siya sa kanyang braso. Paulit-ulit at siya naman ay tumatawang umiilag.

"Nakakainis ka! Akala ko kung ano na yung mga pinagsasasabi mo. Naku! Ikaw talaga!"


"A-aray baby! Tama na po! Ikaw naman kasi kanina pa kita pinagmamasdan parang takot na takot ka talagang kasama mo akong pauwi sa inyo. Pinapa-relax lang kita,chill baby!". Hinawakan niya ang aking kamay at paulit-ulit na naman niya iyong hinagkan.

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now