chapter 29

1.8K 38 0
                                    

"Sorry na nga kasi,hindi ko na naman alam na nandito siya. Galit ba siya? Dan-dan paano na yun? Sorry na talaga!"

Naiiling na lang ako habang naririnig ko mula dito sa kusina ang usapan ni Aidan at nung babaeng Charlotte ang pangalan. Hindi na kasi ako nakatagal na pagmasdan silang dalawa kanina habang nagyayakapan sila. Iniwan ko na sila at nandito ako sa kusina habang nagluluto. Ginugutom na kasi ako.

"Baby"

"Hhmm"tugon ko habang hinahalo ang tinolang niluluto ko. Hindi ko siya nililingon.

"Ano yang niluluto mo? Sana sinabi mong nagugutom ka na para naipagluto naman kita. Nakakahiya naman sa iyo."napaigtad ako ng yakapin niya ako mula sa likod.

"A-ano....tinola lang naman."

Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. I stiffened when I felt him sniffing on my neck.

"T-teka lang......yung niluluto ko. A-ano ba..,Aidan."kinilabutan ako ng maramdaman ko ang kanyang mga halik sa aking leeg." S-sandali nga....may bisita ka di ba!"hindi ko alam kung tama pa ba ang mga sinasabi ko. Kasi naman yung mga kamay niya panay haplos sa bewang ko. Parang ang init na kasi ng pakiramdam ko.

"Hmmm! Hayaan mo siya. ,inistorbo na nga niya tayo kanina. Uuwi na yun. ,"balewala niyang sinabi.

Napapikit na ako dahil sa kanyang mga halik sa aking leeg sabayan pa ng pabalik-balik na haplos niya sa aking bewang  at sa aking tiyan.

"Ehem,kuya!"

Napadilat ako at pilit na itinutulak ang kamay ni Aidan.

Napahinto din si Aidan. One last sniff on my neck and I heard him sigh before he turn around.

"Now you're calling me kuya. Kung kanina mo ginawa yan eh di sana hindi na nagselos ang ate mo."

Bigla akong napaharap sa kanya at hinampas siya sa kanyang braso. Ang sakit ah,ang tigas talaga ng braso nito.

"Ang kapal mo ha!"

"Baby naman,mapanakit ka talaga! Totoo naman ah selos na selos ka talaga kanina kaya nga iniwan mo na lang kami kanina."

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon