chapter 27

1.8K 38 1
                                    

Muli akong tumakbo sa cr upang muling dumuwal. Pang-ilang balik ko na ba ito dito? Pangatlo na siguro. Wala na nga ako halos maisuka. Hinilot ko ang sintido kong kanina pa sumasakit. Para naman ako nitong naglilihi.


"Are you okay,baby?"

Nakasimangot kong tiningnan ang walanghiyang naging dahilan kung bakit ako nagkaganito.

"Huwag ka ng magalit. Okay na di ba? Wala ka na sa chopper."alanganin siyang ngumiti.

"Ewan ko sa iyo! Ano ba kasing pumasok sa utak mo at sapilitan mo akong pinasakay dun. Nasaan na ba tayo?"sinadya ko siyang banggain para lang makalabas ako sa banyo. Nakaharang kasi! Akala mo naman ang gwapo.


Umupo ako sa kama at simangot pa ring tumingin sa kanya. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya kanina matapos niyang sabihin na itatanan niya ako. Kasi ng sabihin niya yun natural hindi ako pumayag. Hindi pa nga kami maayos tapos kung makapag-aya na itatanan niya ako akala mo ganun lang kadali. Lalayasan ko na sana siya kaso lang binuhat niya talaga ako pasakay dun sa pesteng sasakyan na yun. Eh may konti akong fear of heights kaya ganito ang nangyari sa akin. Bakit ko nasabing konti eh kasi nakakaya ko namang i-overcome basta ba naihahanda ko mismo ang sarili ko. Sabi nga ni Thomas kaartehan ko lang daw yung fear of heights ko,pabebe daw kasi ako. Eh hindi lang talaga niya maintidihan ang takot ko. Kagaya nitong isang ito na basta na lang akong pinasakay dun sasakyang yun. Eh first time ko kayang sumakay dun kaya ganito tuloy ang nangyari sa akin.



Nakakapanghina!




"Itatanan nga kita di ba? Gagawin ko ang lahat mailayo lang kita dun sa Magno na yun."kunot ang noo niyang sinabi.



Napabuntong hininga na lang ako. Heto na naman po kami. Ano ba kasing problema niya kay Thomas?



"Ewan ko sa iyo! Sabi ko sa iyo tigilan mo na si Thomas kasi wala namang ginagawa sa iyo yung tao. Kaibigan ko yun,okay?! Ka-i-bi-gan!"hindi ko alam kung bakit parang hindi nag-si-sink-in sa utak niya ang lahat ng sinasabi ko sa kanya.



Napalabi na lang siya sa akin.


Oh my God! Para kamo siyang tanga sa itsura niya. Pero hindi ko maitatangging ang gwapo pa rin nitong lalaking ito.




"Akala mo lang wala pero meron....meron!"


Napahilamos na lang ako ng aking palad sa aking mukha. Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang aking tawa.



"Hay naku,Aidan! Ewan ko talaga sa iyo! Paano na ngayon yung trabaho ko? Hindi pwedeng basta na lang ako hindi papasok na hindi nagpapaalam sa manager namin."



CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now