chapter 14

1.9K 42 2
                                    

"Okay ka lang ba?"tumabi ako kay Aidan.

"Oo naman! Nabusog ako baby,ang sarap pala magluto ni Nanay parang ikaw."hinapit niya ang aking bewang palapit pang lalo sa kanya.

"Asus! Nambola ka na naman eh isang beses ka pa lang nakakatikim ng luto ko noh?!"

"Yun na nga eh isang beses pa lang pero hindi ko na makalimutan ang lasa nun. Cook for me again baby ha,yung gulay mong sinantol,sarap kasi nun!"

Tumango ako.

"You have a wonderful family baby. Thank you so much for letting me meet them."

Umingos ako.

"You didn't give me a choice kaya."

Napanguso naman siya.

"Sige baby,ipamukha mo pa sa akin na talagang napilitan ka lang na isama ako dito."

Natawa ako sa kanyang itsura. Para talagang bata,napakagwapong bata.

"Ang arte mo talaga!"bigla kong hinalikan ang tungki ng kanyang ilong.

Nanlaki ang kanyang mata. Nagpalinga-linga pa siya.

"Hala ka,baby! Baka makita tayo ng mga kapatid mo mapapaaga ang pananagot mo sa puri ko."

Panay ang tingin niya sa paligid. Sinisigurado niyang walang nakakita sa ginawa ko. Sumimangot ako.

"Mukha kang baliw diyan! Walang tao ditong naliligaw maliban na lang sa pamilya ko."nandito kasi kami sa likod bahay. Sa maliit na garden nina Clyde na puno ng mga pananim na gulay. Mahilig kasi sa pagtatanim ang mga kapatid ko. Nakatambay kami sa kubong itinayo din ng mga kapatid ko.

"Tsss! Sayang naman wala palang nakakita nun!"dinig kong bulong niya.

"Wala talaga! Akala mo ha?!" Tatawa tawang sinabi ko.

Umungol lang siya. Hinapit niya akong muli at humilig sa akin. Nakasiksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Nakikiliti ako pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakuntentuhan. Narito na naman yung pakiramdam na nararapat talaga siya sa tabi ko,na sakto lang siya sa leeg ko. Pakiramdam ko kumpleto na ako.

CLOSER(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ