chapter 1

5.7K 71 0
                                    


Hindi ko mapigilang mapangiwi ng salubungin ako ng mausok at maingay na kapaligiran. Kahit na pang-ilang beses ko na itong pagpunta sa club napapangiwi pa rin ako kapag nakakaamoy ako ng usok ng sigarilyo at amoy ng alak.

Hindi naman kasi ako dapat nandito kaya lang yung magaling kong kaibigan nagpapasundo. Inaaya niya ako kanina kaya lang i feel like I am not in the mood to drink and dance.

Iginala ko ang aking tingin sa paligid ng club. Napangiwi pa ako lalo ng makita ko ang ilan na kung saan sang gilid ay nagmi-make out. Napahilot ako sa aking sintido ng maramdaman ko ang pananakit nito.

Hay naku! Naiinis na talaga ako kay Ali. Saan na kaya nagsuot yun?

"Hi!. ,ani ng boses sa aking likod.

Oh please not now! Napapikit na lang ako sa inis na nararamdaman. Sasabunutan ko talaga itong babaing ito kapag nakita ko. Ang sakit sa bangs!

Umalis ako ng hindi man lang iniintindi ang lalaking nasa likod ko. Hindi ako interesado.

"Hey,that was rude!. ,hindi ko alam na sumunod pala sa akin yung lalaki. Hinawakan niya ang aking bewang.

Pilit naman akong pumipiglas sa hawak niya. Habang nagpupumiglas ako mas lalo lamang niyang hinihigpitan ang hawak niya sa bewang ko. As much as I hate to admit it but fear is slowly eating me.
Amoy na amoy ko ang masangsang na amoy ng pinagsamang alak at sigarilyo at isama pa ang hindi kaaya-ayang itsura ng lalaking kaharap ko.


Oh God! Kakalbuhin talaga kita,Alison kapag may ginawang masama sa akin ang pangit na ito.

"W-what do you want? Look I am looking for my friend. . ,sinikap kong hindi ipahalata ang takot ko sa kanya. ,"Let go of me!. ,

"Not so fast,baby! Hindi mo ba alam na habang sinusungitan mo ako lalo akong nag-iinit sa iyo. ,nakangisi niyang sinabi. Inilapit niya ang sarili niya sa akin. Napahumindig ako ng maramdaman kong may matigas na tumusok sa aking likuran. "Come with me and I'll take you to take heaven,baby!. ,dugtong pa niya.

Napaatras ako ng makita kong inilalapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

Oh my God! Napapikit na lang ako sa takot.


"If I were you hindi ko na itutuloy kung anuman ang kagaguhang naiisip mo!. ,napamulat ako ng mata ng marinig ko ang baritonong boses na iyon.

"Pare,kung sino ka man huwag mo na kaming pakialaman. Ako ang naunang nakakita sa kanya,kaya ako muna. Kung gusto mo pagkatapos ko ikaw naman! Madali naman akong kausap eh!. ,

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon