chapter 19

1.7K 42 3
                                    

"Good morning!"

Tumango lang ako kay Ali. Sapo sapo ko ang aking ulo na umupo ako sa mesa. Hindi ko mapigilang mapamura sa sakit ng ulo.

Damn hangover!

"Oh kape! Pampatanggal ng hangover. May gamot ako diyan inumin mo na lang mamaya pagkatapos mong mag-almusal."

Tiningnan ko ang tasa ng kapeng ibinigay sa akin ni Ali. Pilit kong iniisip ang sitwasyon kung bakit ako nagpakalango kagabi. Mabuti na lang talaga hindi ko napilit si Ali na pumunta sa bar kagabi. Sabi niya dito na lang daw kami uminom. Ako lang nga pala ang uminom kagabi.

Marahan kong inangat ang tasa gamit ang isa kong kamay habang ang isa ay nakahawak sa aking ulo.

"Papasok ka ba?"

Umiling ako.

"Tumawag na ako kay Mam Lani sabi ko hindi ko muna ako makakapasok kasi masama ang pakiramdam ko."

Tumawa si Ali.

"First time mo yan ah!"aniya.

"Oo nga eh. Kanina pa naman ako gising pinakikiramdaman ko kung kaya ko bang magtrabaho........kaya lang hindi talaga eh."I shrugged my shoulders.

Masakit kasi talaga ang aking ulo. Mabuti na lang at hindi talaga ako mahilig mag-absent kaya hindi mahirap ang pagliban ko sa trabaho ng biglaan.

Ang dami kong first time ngayon ah!

First time umibig,naloko pa.

Damn first time.

"Anong balak mo ngayong araw?"

Napaangat ako ng tingin kay Ali.

Kumunot ang aking noo. Balak? Wala akong maisip maliban sa ipahinga ang aking sarili sa pag-iisip.

"Dito lang ako sa bahay. Matutulog siguro? Parang ang sama ng itsura ko ngayon para maglayas."

Dahan dahang lumapit si Ali sa akin.

"Gusto mo bang samahan kita?"


"Naku! Ano ka ba? Okay lang ako. Itutulog ko lang ito promise!"

"Sure ka?"nararamdaman ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. Ginagap pa niya ang aking kamay at pinisil." Pwede akong tumawag din sa boss ko para hindi din ako makapasok at masamahan kita."

CLOSER(COMPLETED)Where stories live. Discover now