Chapter Twenty Seven

276K 2.6K 337
                                    

 

 

"Marian..." Napailing si Rhian. Ano to? Bakit ganito? Ha?! Napalunok siya tsaka tumingin sa lalaking nasa harap niya ngayon na hawak hawak ang kanyang mga kamay. Ngumiti siya.



"Eh..k-kahit ano na lang...b-babe.." Nagaalangan na sagot nito. Bakit para atang nabaligtad ang mundo? Bakit para atang ang daming nagbago? Bakit ganito? Parang nakalimutan na niya lahat ng bwisit niya kanina sa lalaking to. Tsaka bakit siya kinakabahan? Di ba dapat si Marco hindi siya? Eh anong nararamdaman niya ngayon? Bakit ba sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya baka lumabas na sa dibdib niya. Bwisit! Ano to? Cardiac Arrest? Heart attack? Isip niya.



Kalma lang Rhian..kalma.



Nakita niyang humarap si Marco sa counter at nagorder ng inumin. Narinig niyang humingi ito ng isang ice tea at tsaka wine. Napalingon siya sa direksyon ni Anna. Nagkatinginan sila bago umiwas ng tingin si Anna. Halatang halatang parang hindi ito komportable sa nakikita niya kanina. Teka, gumagana na ba ang plano nya? Nagseselos na ba siya?



Tsk, dapat lang..dahil sa totoo lang hindi na siya makatiis dito. Para bang gusto na niyang matapos to.



"Ice tea..bawal kang uminom ha." Nabaling naman ang atensyon niya sa lalaking nasa harap niya ngayon nung magsalita ito. Napatingin siya dito tsaka kinuha ang ice tea na hawak nito.



"Hindi ako umiinom no at hindi ako sanay wag kang magalala." Sabay inon ng ice tea na para bang  nagmamadali ito. Tiningnan siya ni Marco at natawa ito ng mahina. Paano kasi, para bang hindi nakainom ng tubig tong babaeng kasama niya ng isang linggo. Uhaw na uhaw eh.



"Easy babe. Haha, parang ang tense mo naman ata?" Tanong ni Marco habang nakangiti at tila naniningkit ang mga mata. Napaknot ang noo ni Rhian. KInakabahan nanaman tuloy siya, para bang gusto na niyang magback out. Ngayon na...as in now na!



"Hoy uhugin teka nga, cut muna ang acting churva. Nabigla beauty ko lintek." Bulong ni Rhian. Nagulat naman siya ng biglang tumawa si Marco. Yung talagang natural na tawa nung taong ito. Geez, kahit kelan napakaunpredictable ng lalaking to. Napabuntong hininga siya tsaka tumingin ng masa kay Marco.



"Hahahahaha!! I can't believe you could be this tensed! Hahahaha!" Natatawang sabi ni Marco. Umirap naman si Rhian tsaka pinagpapalo ang braso ni Marco. Kahit kelan pangasar tong lalaking to no! 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon