Mensahe ng Manunulat

144K 3.1K 1.4K
                                    

PASASALAMAT

After almost two years, natapos ko rin!

Salamat sa mga walang sawang pagsuporta sa akin, lalo na sa mga nakaabot dito, salamat sa paghihintay sa mga napakatagal kong update! Saludo ako sa pasensya niyo!

Ngayon ay opisyal ko nang dinideklara ang pagtatapos ng storya nina Tyler at Zafina. Salamat sa pagsubaybay sa kanila!

Sana subaybayin niyo rin ang mga kasunod na storya nito— ang mga storya ng mga kaibigan ni Tyler. Oo, lahat sila ay may storya! Ang Men from Hell series.

Ito ang tentative na title (maliban kina Chase at Tyron dahil published na iyong kanila) ng mga stories nila:

Twins With Benefits - Prince Chase Grant

Ignited Desire - Tyron Claid Smith

The Psychiatrist's Insanity - Dark Aris Vergara

Possession Prevails - Smoke Ashford

Unleashed Beast - Maxwell Black

MGA KASAGUTAN

Kayninong story ang susunod?
    → Una syempre kay Chase, ang tagal ng naka-pending ng storya niya sa profile ko, oras na para dugtungan ko ang kabanata ng buhay nila ni Enayis.

Nasan si Enayis?
   → Kung napansin niyo, may kabanata na hindi na muling sumulpot pa ang baliw na si Enayis. Well, hindi ko rin alam kung nasan siya 😂 Abangan niyo na lang sa storya nila ni Chase.

Ilang taon ka na ngayon?
   → Sixteen :P

Bakit hindi ka na nagre-reply sa mga comments?
   → Ito talaga eh. Kung dati kayong nagco-comment sa story ko, malalaman niyong nagre-reply ako sa LAHAT ng comments. Kahit minsan emoji lang ang comment, magre-reply din ako ng emoji! Malaman niyo lang na nababasa ko ang comments niyo. Pero may one time na tumigil ako sa pagre-reply sa comments, dahil may one time din na tumigil ako sa mismong pagbabasa ng comments.

    It happened nang magsimulang magkaron ng negative feedbacks ang story ko. Oo, alam kong normal lang iyon, lalo na kapag may parteng naiinis na kayo at siguro ay nadadala ng bugso ng damdamin. Okay lang kung sa characters or story lang eh, walang problema, pero kung ako na ang tinitira niyo, ang mismong manunulat na, ibang storya na yan. I have anxiety, isang masamang comment lang ay talagang nasasaktan at naba-bother ako. Hindi ako no'n patutulugin dahil hindi na iyon mawawala sa utak ko, mapapaisip na rin ako kung dapat ko bang ibahin yung plot kasi masyado ng ganito, masyado ng ganyan. Pero ayoko ng ganon, ayokong iba ang mag-decide kung ano ang plot ng story, ako ang author kaya ako dapat ang gumawa, stick lang dapat ako sa plot. At para hindi lumuwis ang daan ng plot ko, hindi na ako nagbasa ng comments para hindi na ako ma-bother pa. Dahil I swear, tuwing nasosobrahan ang pagka-bother ko, nagkakaron ako ng panic attack, nawawalan ako ng hininga.

    Pero huwag kayong mag-alala, susubukan ko ang makakaya ko na sa susunod kong storya ay makabalik ako sa pagbabasa at pagrereply sa comments. Sana kasama ko pa rin kayo sa panahon na iyon 😢🤗😚

Kung may karagdagan pang katanungan, magtanong kayo rito at rereplayan ko ng sagot :)

MGA KATANUNGAN

Dahil nagsagot ako ng mga tanong, kayo naman ang sumagot ngayon! 😂

Ano ang natutunan mo sa storyang ito? (Siguro naman kahit papaano ay mayroon diba? 😂)

May kabanata ka bang paulit-ulit na binalikan? Ano ang kaganapan doon? (Tatanggapin ko kahit iyong unang yugyugan scene nila ang sagot mo. Uy! Aminin! 😏)

May kabanata ka bang ayaw mo nang balikan? Ano ang kaganapan doon? (Wag naman lahat, ha? 🙁)

Sino ang paborito mong karakter?

Sino ang paborito mong ka-barkada ni Tyler?

Gagawa pa ba ako ng special chapters?

Iyon lang! Sana sagutin niyo, kaunting tanong lang naman iyan 😂 Mapapasaya niyo ako ng sobra kapag sumagot kayo hihi! Magrereply ako sa mga comments pero siguraduhin niyo namang kasagot-sagot, ha? Char! 😂

Mahal ko kayoooooooo! (Oh, wag mawawala, ha? Wag kayo tumulad sa kanya, umamin lang ako nawala na 😒 charot!)

Bye, mga mahal! Until next time!

— thatpaintedmind,
     Faye Andres.

Under His SpellDonde viven las historias. Descúbrelo ahora