Kabanata XXXVIII

145K 4.3K 884
                                    

"O-Oh, I'm Timothy Lloyd, nice to me you, too. Do you know we're just about to talk about Ms. Zarina's love life when you came? I guess this is destiny."

Mas lumaki ang ngiti ni Axle. "Yeah, we're really meant to be."

Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Axle sa upuan ko para magkalapit pa kami lalo. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Timmy kaya lumapad ang ngiti niya.

"Aww, Axle is so sweet. How long have you guys been together?"

Kaagad akong napailing sa sinabi ni, Timmy. "We're not together."

"Wait... What? Are you serious?" I can clearly hear the disappointment on Timmy's voice.

"Yes I am serious, Axle and I were just... uh, dating." Tila nag-aalinlangan ko pang sabi. Kaagad namang nagliwanag ang mga mata ni Timmy.

"That's almost the same, silly! I'm pretty sure you guys will end up together really soon! I can already sense it, thinking that Axle just kissed you awhile ago and you have no complain. That is something, dear."

I just smiled. I don't know what to say. Maybe because, he has a point.

"Yeah, someday, my Zarina will realize that she can't live without me. I can't wait for that day to come. Damn, I'll be the happiest man alive."







"Ano iyong mga pinagsasasabi mo kanina?" Maktol ko kaagad pagkapasok namin ng sasakyan niya.

Katatapos lang ng interview at ihahatid na ako ni Axle pauwi. Ayaw ko ngang sumabay sa kanya pero nalaman ko na lang na pinauna na pala niya iyong driver ko pagkarating na pagkarating niya pa lang dito kanina. Tsk. Kulit.

"Bakit? Kinilig ka 'no? Aminin!" Umikot ang bilog ng mga mata ko.

"Ewan ko sayo. Ang dami mong kabaklaan."

"Anong kabaklaan?! Sinong bakla?!"

"Ikaw. Puro ka kaya kabaklaan."

Natahimik ito sandali. Akala ko nga wala na siyang balak magsalita pero maya-maya lang ay nagsalita rin.

"Kung kabaklaan ang tawag mo sa mga ginagawa ko para tuluyan ka nang maging akin, siguro nga puro talaga ako kabaklaan."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kung ibang sitwasyon lang 'to ay malamang tatawanan ko na siya sa sinabi niya o kaya naman ay iirapan.

Pero hindi ngayon, dahil walang halong biro ang boses niya. Seryosong-seryoso ang mukha nitong nakatingin sa daan na bihira lang mangyari. Madalas kasi ay maaliwalas ang mukha niya.

Hindi ko napigilang mapalunok. Pinili ko na lang huwag magsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

And because of that, our whole travel became silent, which is very unusual. Knowing Axle, he has a very loud mouth... Unless when it comes to situation like this.

"Uh, thanks for the ride, Ax." Pagpapasalamat ko nang marating na namin ang building ng tinitirahan kong condominium.

Pero akmang bababa pa lang ako nang hulihin niya ang braso ko. Napalingon ako sa kanya. Ganoon pa rin ang timpla ng mukha niya, seryoso pa rin.

"I'm damn serious awhile ago, Zafina." Napalunok akong muli nang tawagin niya ako sa pangalan kong iyon. Kapag kami lang dalawa ay iyon ang tawag niya sa akin. Dahil doong pangalan niya raw ako nakilala, at hindi iyon magbabago, hindi ako magbabago sa paningin niya, that's what he said. "When I told you that I'll be the happiest man alive if you'll become mine, I'm serious. I'm damn serious everytime. Kung akala mo minsan nagbibiro lang ako, you're wrong. I'm just using a playful tone 'cause I don't want you to have an awkward atmosphere with me, just like what happened now. Pero tandaan mo sana Zafina, bawat katagang lumalabas sa bibig ko ay totoo."

Under His SpellWhere stories live. Discover now