Kabanata XXIX

138K 4.2K 725
                                    

Nagising ako nang may marinig akong tumunog na ringtone. Noong una ay pinabayaan ko lamang iyon dahil masyado akong kumportable sa bisig ni Tyler ngunit nang maramdaman kong gumalaw siya ay hindi ko na napigilan ang mapadilat ng bahagya.

Nakita kong inaantok pa din siya ngunit wala siyang nagawa kundi sagutin ang tawag.

"Tsk, can't that wait?" Naiirita nitong tanong sa kausap. Pumikit na lang ako para muling matulog.

"Yeah right, whatever, I'm going." Nang sinabi iyon ni Tyler ay muli akong napadilat.

Tumingin ako sa orasan at nakitang alas kwatro pa lang ng umaga. Akmang babangon na si Tyler ngunit hinawakan ko ang kanyang braso. Tumingin siya sa akin na tila nagulat na gising na ako.

"Y-You're leaving?" Tanong ko sa kagigising lang na boses. Hinaplos niya naman ang pisngi ko.

"Yes, something came up, and I need to handle that."

"This early?"

Tumango siya bago niya hinalikan ang aking noo. "I'll be back, just sleep again."

Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil muli na naman akong hinihila ng aking antok. Ang huli ko na lang narinig ay ang pagsara ng pinto bago ako tuluyang nakatulog muli.

Nang muli akong magising, ay nasa tabi ko na ulit si Tyler. Nakayakap at nakaharap siya sa akin kaya ang gwapo niyang mukha agad ang bumungad sa akin. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na nangangahulugang napagod siya.

Hinaplos ko ang buhok niya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi, parang mahika na nawala ang kunot sa kanyang noo na nagpangiti sa akin.

Isa lang ang senaryong iyon sa maraming umaga na pinagsamahan namin ni Tyler. Almost three weeks had passed by, and I can say that those days were magical. Magkasama kami lagi ni Tyler at walang araw na hindi ko pinaramdam sa kanya na mahal ko siya. Ganoon din siya sa akin, kaya minsan natanong ko na lang sa sarili ko kung ano pa bang mahihiling ko gayung kontento na akong kapiling si Tyler. I just hope this own fairytale of mine will never end.

Napatayo ako sa aking kinauupuan nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Hindi naman maiiwasan minsan na umalis si Tyler. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta pero sinasabi niya sa akin na importante iyon kaya hinahayaan ko na lang siya. Maybe it's about their business.

Nagtungo ako sa pinto nang may kumatok doon. Medyo napakunot pa ang noo ko, hindi kasi kumakatok si Tyler pag nakauwi na siya, pumapasok na lang siya agad.

Kaya nagtataka ako habang binubuksan ko ang pinto ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Dark.

Napakurap-kurap ako. Tinignan ko ang likod niya para alamin kung kasama niya ba sina Tyler o ang mga kaibigan nila, pero wala. Siya lamang mag-isa ang pumunta rito. Binalik ko ang tingin ko sa kanya na seryoso lang na nakatitig sa akin. Hindi ko napigilan ang mapalunok.

"D-Dark, anong ginagawa mo rito?"

"May I come in?" Tanong niya nang hindi sinasagot ang aking tanong.

Niluwugan ko naman ang pagkakabukas ng pinto na senyales na maaari siyang pumasok. Kaagad niya naman iyong ginawa kaya sinara ko na muli ang pinto.

Humarap siya sa akin bago nasalita. "Tyler asked Enayis to come here for you to have a companion, but since she's busy with Chase, she asked me to go here instead." Pormal lang ang mukhang sabi nito.

"Gano'n ba? Baka naabala ka pa pala, ayos lang naman sa aking mag-isa lang."

"Pwes sa akin, hindi ayos na mag-isa ka lang."

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon