Kabanata XXXIII

155K 5.5K 2.3K
                                    

They say, one of the hardest parts in life is to decide whether to walk away or to try harder.

Dati, tinawanan ko lang iyon nang mabasa ko. Dahil sabi ko sa sarili ko, napakadali lang naman desisyunan no'n. Dahil kung nasasaktan ka na, tumalikod ka na, just walk away, gano'n lang kadali. Hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo sa isang napaka-komplikadong sitwasyon. Iyon ang akala ko, kaso hindi pala, nagkamali ako.

I realized, that we can't just easily walk away, it's not that easy like I thought it would be. Dahil hindi mo kayang tumalikod lang ng basta-basta, lalo na kung ang tatalikuran mo ay ang pinakamamahal mong tao. How can we walk away from our everything?

Pero bakit siya... Nagawa akong talikuran?

Maybe because while you see him as your everything, he sees you as his nothing.  Napapikit ako sa binulong ng utak ko.

Nagbadya na naman ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon. Kailangan ko munang lumisan sa lugar na ito. Hindi ako makahinga dito. Hindi ko kayang manatili pa dito.

Dumilat ako para tumayo pero natigilan ako nang makita ang bakas ng dugo na nanggaling kay Jamaica. Kaagad nanginig ang mga kamay ko. Ngayon lang pumroseso sa akin ng maayos ang patungkol sa bagay na iyon, patungkol sa ginawa ko.

I-I put a c-child's life in danger... Oh, my God! I put a child's life in danger!

H-How could I...

Bumagsak na naman ako sa sahig dala ng panghihina ng aking katawan. P-Paano kung t-tuluyang mawala iyong bata? M-Mawala nang dahil s-sa akin?

Naramdaman ko ang panginginig ng aking buong katawan. W-Will I be considered a k-killer? A-A murderer? A-And worse, o-of a child, an innocent child...

N-No! Napasapo ako sa aking ulo. I-I don't want to be a killer! I don't want to be a killer!

What have you done, Zafina? How could you do such thing? Kailan ka pa naging mamamatay-tao? Ang malala, ng isang bata pa?!

N-No, please... Hindi ko sinasadya... H-Hindi ko sinasadya!

F-Forgive me, forgive me please...

Napasigaw ako habang sapo-sapo ko ang aking ulo. Para na akong mababaliw! I can't take the pain anymore! I can't take it anymore!

Please... Someone save me from this hell...

Natigilan ako nang biglang may tumunog. Pamilyar iyon kaya napatingin ako roon. A-At hindi nga ako nagkakamali. It was Tyler's phone... It was his ringtone.

Pilit akong gumapang papalapit doon. Hindi ko kayang tumayo dahil nanghihina pa rin ang buong katawan ko. Isama pa ang panginginig ng aking tuhod at mga kamay. Ngunit pinilit ko pa ring makapunta kung nasaan ang cellphone ni Tyler.

P-Para bang may nagtutulak sa akin na kailangan ko iyong puntahan.

Nasa sofa ang cellphone ni Tyler. Nanginginig pa ang aking kamay nang abutin ko iyon.

Dark calling...

Bigla na lang may pumatak na luha sa isang mata ko. Dark. I called out his name. Para akong batang nakahanap ng masasandalan sa kanyang magulang.

Under His SpellWhere stories live. Discover now