Kabanata XIX

186K 5.6K 1.5K
                                    

Mas nauna akong nagising kaysa kay Tyler. Nakayakap siya sa aking bewang, ganoon din ako sa kanya. Malapit ang mga mukha namin sa isa't isa kaya nagkaroon na naman tuloy ako ng pagkakataon para matitigan ang kanyang perpektong mukha. Hindi na maputla ang labi niya na nakapagpagaan sa loob ko. Sinalat ko ang kanyang leeg at naramdamang sinat na lang ang mayroon siya. Hindi pa siya ganoong magaling pero mabuti na rin at may progreso ang pag-aalaga ko sa kanya.

Tumingin ako sa orasan. Bahagya pa akong nagulat nang makitang magtatanghali na pala. Ang tagal naming nakatulog. Hindi ko naman itatangging masarap at mahimbing ang naging pagtulog ko. Ako na nga yata talaga ang pinaka-abnormal na preso. Hinuli na nga't lahat-lahat, nagagawa pa ring makatulog ng mahimbing.

Huminga ako ng malalim. Ngayon na ang simula ng pag-akto ko. Kailangan kong mag-ingat sa bawat aksyong gagawin ko at sa bawat salita na bibitawan ko. Mahirap na ang mabisto, lalo na kay Tyler. He's capable of... touching me. At hindi ko alam kung may mas lalala pa ba roon ang kaya niyang gawin. Pero pag-iigihan ko naman ang pag-arte ko. Besides, I'm a best actress when I was on my high school days. I always standout when it comes to theater play. Kaya hindi na ako mahihirapan pa sa larangan ng pag-arte.

Iisipin ko na lang na nasa isa akong play ngayon. Play bilang palabas, at play bilang pakikipaglaro. Dahil makikipaglaro ako kay Tyler, isa sa amin ang mananalo, isa ay matatalo. At hindi ko hahayaang ako ang babagsak sa huli.

Maingat akong lumabas ng kwarto. Naglagay ako ng unan sa pinaghigaan ko para hindi mapansin ni Tyler ang pag-alis ko saglit. Nagtungo akong muli sa kusina upang ipaghain ng agahan si Tyler. Kating-kati na akong tumakas pero hindi ko iyon dapat madaliin. Pero sisiguraduhin ko na sa araw na ito mismo, makakaalis na ako ng bahay na ito.

Pagkatapos kong magluto ay muli akong umakyat para silipin si Tyler. Payapa pa rin siyang natutulog. Yakap-yakap niya ang unan na inilagay ko sa tabi niya kanina. Napailing na lamang ako habang ngingiting-ngiting muling bumaba.

Napatingin ako sa pinaka-pinto ng bahay. Nakagat ko ang aking labi nang makadama ng temptasyong sugurin iyon. Pero wala naman sigurong masama kung sisilipin ko ang labas, hindi ba? Para rin makita ko ang daan na kailangan kong tahakin palabas mamaya.

Dahan-dahan akong nagtungo sa pinto. Nanginginig pa ang kamay ko nang abutin ko ang seradura. Paulit-ulit akong napalunok. Pinihit ko na iyon at marahang hinila pabukas. Bumungad sa akin ang isang napakagandang hardin. Kulay berde ang paligid maliban sa mga pwesto kung nasaan may mga makukulay na bulaklak.

Hindi ko napigilan ang mamangha. Napakagandang tignan, nawala tuloy ang balak kong kabisaduhin ang daan paalis ng bahay. Imbis na gawin iyon, ay hindi ko sinasadyang malibang hawak-hawakan at amoy-amuyin ang mga bulaklak. Hindi naman ako nagsisi sa huli dahil muli na naman akong nakaramdam ng kasiyahan mula nang ikulong ako ni Tyler.

Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa ikalawang palapag ng bahay. Napatingin ako sa bintana no'n mula rito sa baba. Agad kong naalala si Tyler kaya nilukob agad ako ng kaba. Tumakbo ako papasok ng bahay at nagtungo sa may hagdan para sana umakyat. Kaso sumakto namang pababa na rin pala si Tyler na tila nagmamadali, alam ko nang ako ang dahilan kung bakit. Nang makita niya ako ay halos liparin niya na ang aming distansya.

"I cooked us breakfast," mabilis kong paliwanag bago pa man siya makapagsalita. Tumitig lamang siya sa akin katulad ng kahapon. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Sinalat ko ang kanyang noo at leeg habang hinihintay siyang sumagot. Ngunit wala akong nakuhang kasagutan sa kanya, nanatili lang siyang nakatitig sa akin kaya sinalubong ko na ng tingin ang kanyang mga mata.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon