Kabanata XXXV

144K 4.4K 1.6K
                                    

The next day, I woke up with a mild headache. Napahawak ako sa ulo ko, para iyong pumipintig-pintig sa sakit. Pero bearable naman iyon ng konti kahit papaano.

Tumingin ako sa orasan na nasa side table at nakitang maga-alas otso pa lang ng umaga. Pero bumangon na ako, naghilamos, saka bumaba patungong dining. Naroon na sina mama. Kaagad nagliwanag ang mga mata niya nang makita ako.

"Darling, you're awake! Sorry we didn't call you to eat, we thought you needed a longer rest."

"Okay lang po ma,"

Umupo ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni mama at sa tapat naman ni Dark.

"Are you alright, sweetheart? You look pale," puna ni papa.

"No papa, just a mild headache, nothing to worry about." Nginitian ko pa siya para mas maniwala siya, epektibo naman.

"We'll go to the hospital,"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dark.

"Ha? Wag na! Okay nga lang ako, kulit nito."

Tinaasan ako nito ng kilay. "Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit tayo pupunta roon."

"Kung hindi, eh ano?"

"For my work, sasama ka sa akin pagkatapos niyong mag-mall ni mom."

"Work? Nagta-trabaho ka sa ospital? Anong trabaho?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Si Dark? Nagta-trabaho sa isang ospital? Now that's something...

Pero imbis na sagutin niya ako ay nginisian niya lamang ako saka siya nagpatuloy sa pagkain.

"Dark! Anong trabaho?!" Pangungulit ko.

Nakaka-curious kasi talaga, ano namang klaseng trabaho ang meron si Dark sa isang ospital?

"Doctor ka ba? Surgeon? Pediatrician?"

Natawa na sina mama sa akin, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Dark. Halos sumampa na nga ako sa mesang nakapagitan sa amin para lang makalapit pa ako sa kanya.

"Baka naman nurse? Pero diba kung nurse dapat may pleasing personality kasi sila nag-aasikaso ng mga patients? Aba! Eh hindi naman pleasing personality mo ah? Paano mo ina-approach iyong mga pasyente kung gano'n? Bihira ka pa namang ngumiti! Buti di ka pa nafa-fired?"

Natawa ulit sina mama. Si Dark naman ay tinignan na ako ng masama.

"I own that hospital that's why I will never get fired."

"Ahh, so inamin mo ring kung hindi sayo ang ospital na 'yon ay alam mong mafa-fire ka?"

"It's not like that!"

"Oh, ba't sumisigaw ka na? Defensiiive!" Pang-aasar ko pa na kinalikha ng malakas na halakhak sa buong kusina galing sa magulang namin.

"No I'm not! You'll see later! The patients are the one searching for me and craving for my service!"

Napasinghap ako kunwari. "Anong service? Naku mama oh! Ospital iyon, Dark ha! Hindi 'yon--"

Napatakbo agad ako sa likod ni papa nang tumayo si Dark at akmang lalapitan ako.

"Ang kukulit niyo," nakatawang wika ni mama. "Hayaan mo na ang kapatid mo Dark, hindi pa nga siya nakakakain. Upo ka na ulit Light, kain ka muna, darling."

Tumawa ako ng mapang-asar at binelatan pa si Dark bago ako umupo.  Nakasimangot naman siyang bumalik sa kinauupuan niya.

This is one of my favorite morning, puro kasayahan... Pero nakakaintriga. Ano ang trabaho ni Dark?

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon