Kabanata III

206K 7K 2.8K
                                    

"Dyan na lang," turo ko sa isang kanto.

Hinatid niya ako at wala akong karapatang tumanggi, follow his orders ika nga niya. Naisip ko na mabuti na lang din na sundin ko siya dahil wala namang mawawala sa akin. Sa katunayan ay ako pa ang nakikinabang sa mga utos niya. Katulad na lamang nitong paghatid niya sa akin.

Hininto niya na ang sasakyan pero kasabay no'n ang pagkunot ng noo niya.

"You don't live here," napatigil ako sa sinabi niya.

How did... How did he knew that?

He seems to know a lot about me. Kanina ko pa iyon napapansin. Hindi ko naman kasi tinuro ang daan papunta rito sa bahay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang daan, hindi ko rin alam kung bakit niya alam na hindi ang tinitirhan ko ang kantong itinuro ko sa kanya. Hindi ko alam. Pero siya, mukhang ang dami niyang alam.

"Uhm, papasok pa kasi ako sa eskinitang iyan para marating ang bahay. Hindi naman kasya ang sasakyan mo dyan kaya dito na lang ako." Itinuro ko ang masikip na eskinita sa gilid. Purong katotoohanan naman ang sinabi ko at walang halong kasinungalingan.

"S-Sige, alis na ako. Mag-iingat ka."

Lumabas na agad ako ng kotse bago pa siya makapagsalita. Ngumiti ako at kumaway sa kanya kahit hindi ko siya makita sa loob dahil tinted ang sasakyan niya. Hindi ko na hinintay umalis ang kotse niya at nagmamadali na agad akong naglakad patungo sa eskinita.

Nakaka-ilang hakbang na ako nang tumigil ako at lumingon. Namilog ang mata ko nang makitang naroon pa rin ang sasakyan niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko na nakababa ang isang bintana ng sasakyan niya at mula roon ay nakikita ko ang kanyang pares na asul na mga mata na tila lumiliwanag sa dilim. Tumalikod agad ako at mas binilisan ang lakad.

Hilig ba talaga ng lalakeng iyong manitig? Kalahati yata sa oras na nakasama ko siya ay nakatitig lang siya sa akin. Pero kakaiba ang mga titig niyang iyon. Parang may laman na hindi ko maipaliwanag. Tumatagos iyon sa kaibuturan ko na parang may pilit na inaabot.

Nang makarating ako nang bahay ay maingat akong umakyat dahil tulog na ang lahat ng tao rito sa ganitong oras. Malapit na ring mag-alas'kwatro at sigurado akong magmumukha na naman akong zombie bukas.

Mabilis muna akong naligo dahil pakiramdam ko ay kumapit sa akin lahat ng usok sa bar, isama pa ang aircon sa kotse at condo unit ni... Tyler.

Iwinaksi ko kaagad siya sa utak ko. Hindi maganda ang epekto niya sa akin, at ayokong mas palalimin pa iyon. Walang magandang maidudulot sa akin ang mga taong katulad niya. Mayaman, malamig, at misteryoso.

Pinilit kong makatulog. Paikot-ikot ako dahil hindi mawala sa pakiramdam ko na may nagmamasid sa akin. Ito na yata ang gabi na hirap na hirap akong makatulog.

"Ma, please? Gusto ko talagang makapag-aral sa eskwelahang 'yon!"

Habang pababa ako ng hagdan ay iyon ang nabungaran ko. Ang pinsan kong mukhang may hinihiling na naman kay auntie.

"Masyadong mahal ang eskwelahang iyon anak. Naku! Hindi kakayanin ng budget namin ng tatay mo kapag sa Smith University ka mag-aaral."

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon