Kabanata XVIII

183K 5.2K 1K
                                    

Kumabog ang aking dibdib. Tyler is willing to do that again if ever I'll escape. Is he insane that much? Mas lalo tuloy akong natakot tumakas. Paano kung mahuli niya ako? Pinigilan ko ang manginig.

Gumalaw si Tyler, humiga siya sa aking tabi. Ipinatong niya ang kanyang braso sa aking bewang tsaka niya ako mas lalong pinalapit sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo bago ko naramdaman ang mabigat niyang paghinga. Nakatulog na siya.

Marahan akong dumilat. Maingat akong tumingala para masilayan ang kanyang mukha, at tama nga ako, payapa na siyang natutulog. Sumilip ako sa may pinto, dahil nandito siya sa kwarto ay paniguradong hindi naka-lock ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa aking naisip. Kailangan ko ng tumakas.

Maingat kong hinawakan ang kanyang braso para sana alisin iyon sa pagkakapalupot sa akin. Pero ganoon na lamang ang pagtataka ko nang maramdaman ang init no'n. Kunot ang noong sinalat ko ang kanyang noo. Nanlaki ang aking mga mata. He's hot... I mean, literally! Inaapoy siya ng lagnat!

Napatingin ako sa kanyang mukha at ngayon ko lang nakita ang pagod sa kanyang mukha, kung kailan tulog na siya. Kitang-kita ko ang sobrang pagkapagod sa mukha niya na kanina ay hindi niya pinapakita sa akin. Dahil ang pinapakita niya sa akin kanina, ay na malakas siya, na mas nakatataas siya sa akin, para matakot ako. Pero ito pala ang totoo, nakaguhit sa mukha niya ngayon ang sobrang pagkapagod. At iyon marahil ang dahilan kung bakit siya nilalagnat ngayon. Pero ano ang dahilan ng matinding pagkapagod niya?

Napatingin ako sa mesa na nasa gilid ng kama at nakita ang selpon ni Tyler. Naisip ko agad ang mga kaibigan ni Tyler. Hindi naman siguro masama kung tatawagan ko sila para malaman ang naging kalagayan ni Tyler noong lumipas na tatlong araw na hindi ko siya kasama. Gustong-gusto kong malaman ang dahilan ng pagkapagod niya na umabot pa sa puntong nagkasakit siya. Dahil kahit kailan ay hindi ko pa nakitang may iniindang sakit si Tyler kaya sobra akong nagtataka.

Pilit kong binanat ang aking kamay nang hindi gumagalaw ang katawan ko para hindi maistorbo ang tulog ni Tyler. Hanggang sa mapagtagumpayan kong abutin ang kanyang selpon. Nang nasa kamay ko na iyon ay agad ko iyong binuksan. Lihim akong nagdiwang nang makitang wala iyong password. Patunay na hindi siya nagtatago ng sikreto sa akin.

Pumunta agad ako sa kanyang contacts. Maraming mga numero ang naroon, siguradong mga koneksyon niya ang mga iyon. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil nang matunton ko ang pangalan ni Maxwell ay agad ko iyong tinawagan. Sa mga kaibigan kasi ni Tyler, ay kay Maxwell lang ang pinaka-kaya kong kausapin dahil siya ang pinakamatagal ko ng kilala kahit pa man hindi kami masyadong nag-uusap.

Dalawang ring ang umabot bago sinagot ni Maxwell ang tawag. Sunod-sunod akong napalunok. Magtatanong lang naman ako pero kinakabahan na ako. Iba kasi ang presensya ni Tyler at ng mga kaibigan niya. Iyong tipong, kahit sa tawag mo lang naman sila kakausapin ay kakabahan at kakabahan ka pa rin.

[Hey, dude.]

Huminga ako ng malalim. At sa mahinang boses ay nagsalita ako. "M-Maxwell..."

Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Bago siya muling umimik. [Zafina?]

"Uhm, a-ako nga,"

[Bakit ka napatawag?]

"Uh, itatanong ko lang sana k-kung, saan nagsususuot si Tyler the last few days? Anong pinagkaabalahan niya?"

Under His SpellWhere stories live. Discover now