Kabanata XLIX

155K 4.6K 2K
                                    

“My heart lied,
While you cried,
Rivers of tears,
but I was too blind to see.”
[MYMP // Only Reminds Me of You]

-

I closed my eyes as I gasp for air. Pilit kong pinapakalma ang nanginginig kong katawan. Pilit binubuhay ang puso kong tila tuluyan nang namamatay.

I opened my eyes to look around.

Mag-isa na lamang ako rito.

Iniwan niya na talaga ako.

Wala na talaga.

Pinigil ko ang nagbabadya na namang mga luha. Huminga ako ng malalim bago pinilit tumayo. Nanginginig ang mga binti ko pero sinikap kong maglakad, maglakad pabalik sa nilabasan kong ospital.

Dire-diretso ang lakad ko patungo sa silid na inookupa niya. Hindi na ako nag-abala pang kumatok at binuksan na lamang ang pinto. Kaagad siyang napatingin sa akin maging ang kasama niyang lalake.

Napalunok ako.

"P-Pwede ba tayong mag-usap?" Walang paligoy-ligoy kong tanong.

Sinubukang bumangon ni Jamaica kaya inalalayan siya agad ng lalake kanina. Namataan ko pa ang anak niya na natutulog na ulit sa may sofa.

"H-Halika," napakamalumanay ng boses niya, hindi katulad ng dati. Malamang dulot ito ng sakit niyang hindi ko pa alam kung ano.

Marahan kong isinara ang pinto bago lumapit sa kanya. Napatingin naman ako sa lalake nang halikan nito sa noo si Jamaica bago siya lumabas. Wala sa sarili ko iyong sinundan ng tingin hanggang sa makalabas siya.

"Larry ang pangalan niya, boyfriend ko."

Bumalik ang tingin ko kay Jamaica. Nakangiti siya sa akin.

"H-Ha?"

"Iyong lalake dito kanina, boyfriend ko." Ulit niya.

Napaawang ang labi ko. Nakangiti pa rin siya sa akin habang may kakaibang kislap sa mga mata. Doon ko nakita ang malinaw na pagmamahal niya para sa lalake.

Muli na namang nanikip ang dibdib ko. May boyfriend na pala siya, at halata namang mahal niya iyon, pero nagawa ko pang pag-isipan nang masama ang sinabi niya kanina kay Tyler. Iba ang naging tingin ko sa hiniling niyang wag siya nitong iwan.

Napakagat ako sa aking labi. Lagi na lang akong nahuhulog sa maling akala, at dahil doon si Tyler ang nasasaktan ko ng lubos.

"Wuy," nabalik ang tingin ko sa pinsan ko. "Mas mukha ka pang hindi okay kaysa sa akin." Malungkot akong napangiti sa sinabi niya. "Sabagay, masakit talaga ang masaktan ng pisikal, pero mas masakit kapag sa loob ka na nasaktan, kapag puso mo na ang nasugatan. Kasi walang saktong panahon kung kailan maghihilom ang sugat na iyon, o kung gagaling pa ba talaga."

Napatitig ako sa kanya. Sumeryoso ang kanyang mukha.

"Nasaktan na naman ba siya?"

Napaiwas ako ng tingin sa tinanong nito, showing how guilty I am. Narinig ko ang pagkawala niya ng malalim na hininga.

"Zafina," tumingin ako sa kanya. Punong-puno ng kalungkutan ang ekspresyon nito. "Patawad... Patawad sa lahat ng nagawa ko. Marahil ngayon ay kinakarma na ako sa lahat ng kasamaang ginawa ko sa inyo. Heto nga't nagdudusa na ako sa sakit na 'to at anumang oras ay pwede na akong mawala. Sa totoo lang ay matagal na kitang gustong makausap, gusto ko kasi bago ako mawala, nakuha ko na ang kapatawaran mo." Napahinga ito ng malalim. "At alam ko, nararapat lang sa akin ang sakit na  'to, nararapat lang sa akin na magdusa ng lubusan. Tanggap ko na. Pero alam mo ang hindi ko matanggap? Iyon ay yung pati si Tyler patuloy na nasasaktan gayung wala naman siyang ginawang kasalanan. Iyon ay yung pati siya nagdurusa gayung wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ka."

Under His SpellWhere stories live. Discover now