Kabanata XXXIV

144K 4.4K 1.1K
                                    

Napatulala si Dark. Tila ba hindi pumroseso sa kanya ang sinabi ko.

"D-Did you just... c-call me..."

"Kuya..." Pagpapatuloy ko sa kanya, at the same time pangkukumpirma.

And as if on cue, nanubig ang mga mata niya. Tumingin siya sa akin na tila hindi makapaniwala, ngunit nangingibabaw doon ang kasiyahan.

"M-My Light," he whispered before pulling me into a tight hug. Binaon niya ang mukha sa aking leeg at naramdaman ko kaagad ang masaganang pagdaloy ng luha niya roon.

Nanubig na rin ang mga mata ko. Naalala ko noong kinwento sa akin ni Dark kung paano nawala ang kapatid niya — na ako pala — I remembered him blaming himself about the incident. Naalala ko na nakalimutan niya ng sumaya simula ng mawala ako, simula ng sisihin niya ang sarili niya, kung paano siya nawasak ng dahil sa pagkawala ko.

But now, nandito na ako. Pipilitin kong hilumin ang sugat sa kanyang pagkatao na hanggang ngayon ay bukas pa rin. He deserves to be happy after all he had been through. That's why I will stay with him... no matter what happens. I'll stay with my brother.

Kumawala sa akin si Dark ngunit hindi pa rin siya lumalayo. Nakakapit pa rin siya sa bewang ko na para bang tatakbo ako sa kahit anong oras.

"W-Wala ng bawian, ha? Dito ka na sa tabi ko palagi, hindi ka na aalis." Nagsusumao niyang pakiusap.

Tila lumambot na naman ang puso ko sa sinabi niya, idagdag pa ang mata niyang nagmamakaawa sa akin. Iniangat ko ang dalawang kamay ko at pinunasan ang magkabila niyang pisngi na may bakas ng luha.

"Oo na po, kuya." Natatawa kong sabi.

Bigla naman siyang napasimangot. "Don't call me kuya, hindi mo naman ako kinu-kuya noon pa man."

"Oh?" Hindi makapaniwala kong tanong, at the same time, amazed.

"Yeah, I always tell you to call me kuya but you always refuse to. Sabi mo kasi wala kang kuyang panget."

Natawa ako sa sinabi niya. Paano ba naman, iyong ekspresyon niya pa ay halatang nagtatampo, lalo na sa huling sinabi niya, napanguso pa nga siya.

"Mukhang bata pa lang ako ay honest na talaga ako ah." Nakangisi kong sabi.

Nanlaki naman bigla ang mata niya sa sinabi ko na kinatawa ka na naman. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

"Ah ganon?" Binitawan niya na ako at tumalikod sa akin, pero hindi naman naglakad. Halatang nagpapalambing lang. Natawa ako lalo, pabebe amp.

Imbis na lambingin siya ay mas naisip kong asarin siya. Kaya nagtungo na ako sa may hagdan nang hindi niya napapansin.

"Tara na Dark, nagugutom na ako!"

Lumingon siya sa akin at tila pinagsakluban siya ng langit at lupa nang makita niyang pababa na ako at hindi man lang nag-abalang lambingin siya. Pinilit kong huwag matawa. Lalo na nang wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa akin habang akala mo ay natalo sa sugal ang itsura niya.

"Tss. Hindi man lang nanlambing." Bulong niya nang daanan niya ako, pero halata namang nagpaparinig.

Hindi ko na talaga mapigilan ang matawa. Nauna na siyang bumaba sa akin kaya hinabol ko siya at walang pasabing niyakap siya mula sa kanyang tagiliran pero patuloy pa rin kaming bumababa ng hagdan.

"I missed you, Dark." Nanlalambing kong wika. Ito lang naman ang gusto niya, hindi ko nga inaakalang may ganito siyang side. But I like this side of him.

Under His SpellWhere stories live. Discover now