Kabanata XXXIX

142K 4.4K 578
                                    


"Busy?"

Napaangat ang ulo ko nang makarinig ng pamilyar na boses. Kaagad nagliwanag ang mukha ko nang makita kung sino iyon.

"Dark!"

Mabilis akong tumayo para sugurin siya ng yakap. Mahina naman siyang napatawa habang sinusuklian ang yakap ko.

"Missed me?"

"Of course! Isang linggo rin tayong hindi nagkita."

That's true, dahil kung busy ako, higit na mas busy si Dark since he's way more successful than I am.

"Sorry, my Light. I've been busy these days." I felt him kissed the top of my head.

"Don't worry, I fully understand." Humiwalay na ako sa kanya para makita ang kanyang mukha.

"How about a lunch together?" He suggested which I immediately agreed.

Since late nga ako ng tatlong oras, 11:30 na ngayon. Sakto lang para lumabas kami't kumain.

"Let's go, nagugutom na ako."

Ako na ang humila sa braso niya para magsimula na kaming maglakad. I really am hungry.

"Hindi ka ba kumain?" He asked. Naramdaman ko ang braso niyang pumalupot sa bewang ko habang naglalakad na kami.

Binilinan ko muna iyong sekretarya ko na aalis ako bago ko sinagot si Dark. "I got up late, so no."

"Tsk, I told you not to skip breakfast no matter what."

Pumasok na kami sa elevator. Pagtingin ko sa kanya ay halos magkasalubong na ang kilay niya. I suppressed a smile. Same old protective Dark. Though he's more manly now compared before, mas lumaki kasi ang katawan niya at tumangkad ng konti. His jaw also became sharper, which made him really more attractive, mostly to women.

But despite all the attention he's getting, there's one confusing thing about him— never did I see him with a girl before.

I mean, he got the looks and the money. His life is really stable as of the moment, on the other words, he's ready to build his own family. Pero bakit kahit girlfriend wala siya? Imposible namang bakla siya. O baka naman hindi pa lang talaga siya handa? Sabagay, hindi biro ang pagbuo ng sariling pamilya.

"What are you staring at?"

Mas lalong kumunot ang noo niya nang mapansing kanina pa ako nakatitig sa kanya.

"Hmm, I'm just thinking if... you're into someone? I mean, are you dating someone?"

"What made you think that?"

"I'm just wondering! Malay ko ba kung may girlfriend ka, hindi mo lang sinasabi."

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami. Nagtungo kami sa sasakyan niya pero hindi pa rin naaalis sa utak ko ang pinag-uusapan namin. Minsan lang mabuksan ang topic about his lovelife, I won't miss this chance.

"So, ano na? Do you have a girlfriend?" Tanong ko kaagad pagkapasok niya sa driver's seat.

"Tss, wala." Bagot niyang sagot. He started the engine as I raise my one eyebrow at him.

"Kahit crush?"

"Wala."

Napairap ako. Wala? Is that even possible?

"Bakit wala?"

Matagal bago siya nakasagot. "I'm still waiting for her..." Bulong niya na halos hindi ko na narinig dahil sa hina. Pero dahil tahimik ay narinig ko pa rin iyon.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon