Chapter 63: Open Your Heart

781 20 2
                                    

                Nagmadali na akong lumabas ng kwarto ni Juan. Halos magtatakbo na ako makalabas lang ng bahay nila. Hindi ko na siya kayang kausapin pa. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at ginawa niya sa akin 'yon. Ayaw ko ring isipin kung ano pa ang maaaring mangyari kung hindi ako lalabas ng kwarto niya.

                “Ate Millicent!” pagtawag sa akin ni Althel, pero hindi ko na siya nagawa pang lingunin dahil sa pagmamadali ko.

                Palabas na ako ng gate nila nang may mabangga akong isang babae. “Sorry!” nakayukong sabi ko. Muntik ko nang bawiin 'yung pagso-sorry ko nang magtama ang mga mata namin ni Meg. Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan na akong lumabas ng gate nila Juan.

                “Hey!”  rinig kong pagtawag sa akin ni Meg kaya naman napahinto ako at saka ko siya hinarap. “Bakit nagpunta ka dito?” Nakataas pa ang kilay niya nang tanungin niya ako.

                “Wala akong time para magpaliwanag sayo at wala kang pakialam sa mg lugar na gusto kong puntahan,” pagtataray ko. Maglalakad na sana ako pauwi nang tawagin na naman niya ako. “What now?” inis kong sabi sa kanya.

                “You still trying to get, do you?” Napataas na lang ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko naman sayong gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Juan. Alam mo naman na siguro 'yung nangyari sa amin. O kung hindi mo pa alam, I’m willing to tell you the whole story,” nakangising sabi niya.

                “Meg, kung alam ko lang na gan’yan ka kasama, sana hindi na ako pumayag sa gusto mong mangyari. I did you a favor, you should thank me.”

                “Sino ba kasing tanga ang naniwala sa sinabi ko? Nagpaawa lang ako ng konti, bumigay ka na. Well, thank you. Dahil sa katanga—”

                Hindi na ako nakapagpigil pa. Nilapitan ko siya at saka ko hinablot ang buhok niyang maraming sabit. “Don’t you dare! Hindi ako tanga. Hindi katangahan kung inakala kong mahal mo talaga si Juan. Hindi katangahan 'yung binigyan kita ng chance para mapatunayan mo ang sarili mo sa kanya. Hindi ako tanga dahil mas pinili kong masaktan para sayo, Meg, then this is what I got from being considerate to your feelings?”

                Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa buhok niya. “What mine is mine, Millicent. You took him from me, all I did was to take what was mine. He’s all mine. All mine.”

                “Screw you!” sigaw ko sa kanya at saka ko siya tinulak gamit ang kamay kong nakahawak sa ulo niya.

                Nagulat na lang ako nang biglang lumabas si Juan at kaagad niyang naalalayan si Meg bago pa siya bumagsak dahil sa pagkakatulak ko. “Stop!” galit na sigaw sa akin ni Juan.

                “She’s hurting me! She’s trying to kill me, Juan!” sigaw din ni Meg.

                “What?” hindi makapaniwalang tanong ko. Sinabunutan at tinulak ko lang, trying to kill her na kaagad. Kung gusto ko talaga siyang patayin sana matagal ko nang ginawa. Sana hindi ko na pinigilan si Cheska tuwing sinasabi niyang papatayin niya si Meg.

                “Don’t hurt her, Millicent,” mahinang sabi ni Juan, pero napansin kong galit siya sa akin. Hindi ba dapat ako ang magalit sa kanila dahil sa ginawa nila sa akin? Tama at kulang pa nga 'yung ginawa ko kay Meg, eh.

                “Juan, why not tell her why she shouldn’t hurt me.” Kumapit si Meg sa braso ni Juan. “Go on, tell her.” Napansin kong tumaas ang tono ng boses niya na parang tinatakot niya si Juan.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now