Chapter 28: I Finally Found You

851 26 2
                                    

Pagkatapos ng performance nila Juan, naisipan muna naming lumabas ni Cheska para makita ang mga booth sa loob ng campus. Sabi ni Cheska, mas marami raw ang dumayo ngayon kaysa last year. Siguro kasi inabangan talaga ng marami ang ginawa nila Juan. Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung ginawa ko kanina. Kung anu-ano ang naririnig ko sa paligid. May maganda, may pangit. Hindi ko na nga lang pinapansin dahil ayaw kong masira ang araw ko.

                Hindi kami makapunta sa dressing room kung nasaan sila Juan dahil nando’n din si Meg. Nagkasundo na lang kami ni Cheska na hayaan na lang naming masolo ni Meg ang boys. Mas okay na 'yung ganito. Hindi ko sila nakikita. Malayo ako sa kanila. Umiiwas ako? Siguro. Mas safe kasi 'yung ganito.

                Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag-decide kung sasama ba ako kay Juan. Marami akong dapat i-consider bago sumama sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil naguguluhan na talaga ako. Bahala na.

                “Have you heard about the news?” biglang tanong ni Cheska.

                “News?”

                Bago niya ako sinagot, naupo muna siya sa isang bench kaya naupo na rin ako sa tabi niya. “About Juan,” maiksing sagot niya.

                “Na pupunta siya sa States?”

                “Yup. Are you okay with that?”

                “Okay? I don’t think so. Gusto niya akong sumama sa kanya.”

                “What?!” Halos mabingi na ako dahil sa pagsigaw ni Cheska. OA talaga 'to paminsan-minsan. I mean, always. “Ano ang sinagot mo? Did you say yes? No? What?”

                “I said... nothing. Hindi ko pa alam kung sasama ako. Hindi ko kayang sabihin kila Mama ang tungkol do’n. May pasok pa tayo kaya parang hindi talaga p’wede.”

                “I understand you. If you want someone to talk to, you know I’m always here.”

                Naiwan akong mag-isa nang biglang dumating si Karl para sunduin si Cheska dahil kailangan muna raw nilang umuwi. Ngayon daw kasi ang dating ng parents nila at kailangan nilang magpunta sa airport. Na-excite ako dahil makikilala ko na ang parents nila. Lalo na ang Daddy nila. Super fan talaga ako ng The Glimpse. Sana makapagpa-picture ako. Sige, mag-fangirling ka pa, Millicent.

                Literal na loner ang dating ko ngayon dahil sinabi sa akin ni Karl na magkasama pa rin si Juan at Meg. Naiintindihan ko naman ‘yon. Okay na nga rin 'yung ganito. 'Yung hindi ko sila nakikita. Kaya lang paano ko naman ma-e-enjoy ang araw na ito kung mag-isa lang ako. Nakakatamad magpunta sa mga booth nang mag-isa lang.

                Hanggang ngayon, nakaupo pa rin ako sa bench kung saan ako iniwan nila Karl. May mga taong bumabati sa akin pero walang naglalakas-loob na samahan ako. Hindi naman ako nangangain, eh. Ang dami pa namang magagandang booths dito at parang gustong i-try. Makapaglakad-lakad na nga lang.

                Napansin kong nagtatakbuhan ang mga tao papunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. May sunod ba? Dahil isa akong dakilang chismosa, naglakad na lang din ako kung saan sila pupunta. Baka mamaya may artista na pala, hindi ko pa alam. Hindi naman ako magpapahuli sa mga ito.

                Habang papalapit ako sa mga nagkukumpulang tao, napansin kong papunta na ako sa building ng College of Engineering at may malaking banner na may nakasulat ng ‘Marriage Booth’. Sa dalawang salita na iyon, napangiti kaagad ako. Uso pa pala ‘yon hanggang ngayon. Akala ko mga high school students lang ang gumagawa no’n. Sino naman kaya ang ikakasal at napakaraming nakikiusyoso? Sa sobrang dami ng tao, hindi ko makita kung sino ba 'yung kinakasal sa harap. Hindi ako makasingit.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now