Chapter 15: You're Gonna Get Cold

1K 26 5
                                    

Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na nagpunta ako dito para kay Froilan. Kaya wala akong pakialam kung ano man ang nakikita ng mga mata ko. Isang gabi ko lang naman kailangang magtiis. Matatapos rin itong event na 'to. Makakauwi ako ng maayos. Hindi ko kailangang ipakita sa kanila na apektado ako. Wait. Affected nga ba ako? Siguro.

                “Pigilan mo ako. Sisipain ko sa mukha itong si Meg,” inis na bulong sa ‘kin ni Cheska.

                “Just leave them alone. Isipin mo na lang hindi sila dumating,” sagot ko naman.

                “Nakakainis. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ni Juan at isinama niya 'yang babaeng 'yan.” Medyo napapalakas na ang boses ni Cheska kaya hindi maiwasang tumingin sa amin si Juan.

                Kaninang pagkadating nila Juan, hindi na siya makatingin ng diretso sa ‘kin. Nginitian ko naman siya para hindi niya isiping nagmamaldita ako dahil wala naman akong karapatan. Hindi ko na rin ginawang big deal 'yung sinabi niyang nakipag-break na siya kay Meg. Ngayon palang, napatunayan na niyang hindi niya kaya o hindi niya magagawa ‘yon.

                Nahinto sa pagbulong sa ‘kin si Cheska nang magsimula na ang fashion show. Itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa mga model na rumarampa sa runway. Unti-unti ay nawawala na sa isip ko na nandito sila Juan. Hanggang sa ma-enjoy ko na ang event.

                Napatayo kami nila Karl nang lumabas si Froilan. Nanlaki rin ang mga mata ko dahil ibang-iba talaga ang itsura niya. Buti na lang talaga at malapit kami sa runway. Kitang-kita namin si Froilan. Super straight body siya. Mukhang dinaig niya pa ako. Naka-formal wear ang mga model no’ng unang labas nila. Napansin kong pamilyar 'yung likod ni Froilan no’ng pabalik na siya sa backstage.

                Naisip ko na parang siya 'yung lalaking nag-ayos ng buhok ko at bumulong sa ‘kin. “Si Froi nga ba 'yun?” mahinang tanong ko sa sarili ko.

                “Are you saying something?” tanong ni Cheska. “Ang gwapo ni Froi, ‘no? God. I’m so proud of him!”

                “He looks so manly,” sabi ko.

                “Oh. You’re gonna see more of his ‘manly’ things later. I’m freaking excited!”

                “Cheska, behave,” saway ni Karl.

                Naupo na kami ulit no’ng wala na si Froilan. Sobrang suporta naman talaga ang nakukuha niya sa mga kaibigan niya pati na rin sa ibang tao. Halatang siya nga lang ang hinihintay ng lahat. Top model ba siya dito sa Pinas? Ba’t hindi ko alam 'yun? Hindi ko pa nga kasi kilalang-kilala si Froilan, eh.

                Lumipas ang oras na panay ang hiyaw namin tuwing lalabas si Froilan. Sinabi kanina na bawal daw mag-ingay pero no’ng nalaman nila kung sino ang pasimuno, si Karl, ay wala na silang nagawa. Hindi ko talaga alam kung anong connections talaga ang mayro’n sila at nagagawa nilang maging rule-breakers.

                Nakakatuwa palang panoorin si Froilan habang rumarampa. Hindi ko tuloy maisip na part-time job niya lang ito. Nakikita ko kasing enjoy na enjoy naman siya sa ginagawa niya. May mga segment na nakikita ko ang iba’t ibang itsura niya. May seryoso, may nakangiti at kung anu-ano pa.

                “OMG! Ito na. Ito na talaga 'yun. Ito lang talaga ang hinihintay ko sa lahat, eh,” tuwang-tuwang sabi ni Cheska. “Millicent, brace yourself. The hotness is coming!”

                Pagkasigaw ni Cheska, napalingon ako sa stage nang lumabas si Froi nang naka-boxershorts lang. No’ng una ay napatakip pa ako ng mata pero ibinaba ni Karl ang kamay ko para makita ko si Froilan. Wala na akong nagawa kung 'di panoorin ang kaibigan namin. Panay ang pag-cheer nila Cheska pero ako natahimik lang dahil sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan na lalabas ng ganito si Froi. Pero sabi nga nila, expect the unexpected.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now