Chapter 34: His Stepbrother

820 25 2
                                    

Ilang oras na kaming naghintay. Nakatulog na ako sa sofa nila habang naliligo si Tita at sa wakas, dumating na ulit si Froi at kasama niya 'yung guy na naghatid sa akin sa room ko kahapon. Nagulat ako nang nilapitan niya si Tita Kat at saka sila nagbeso-beso.

                “Faye, this is my brother, Josef,” pakilala ni Froi.

                “Brother?” nagtatakang tanong ko dahil ang pagkakaalam ko ay wala siyang kapatid.

                “Well, brother from another mother. Stepbrother,” paliwanag ni Josef. “I’m Josef Danniele Vera.” Sabay abot niya ng kamay ko. Baka akalain niyo, Joseph Deyniel ang pagkakabigkas sa pangalan niya. It’s Yowsef Dan-niel. “We didn’t use our father surname because we’re not proud to be his sons.”

                “Eh, bakit ka nagta-trabaho dito?” tanong ko pa.

                “Uh. He owns this resort. Sabi ni Kuya Froi, mas okay kung mag-work muna ako habang hindi pa ako nakakapag-enroll for college.”

                “About that, Josef, by the end of the month baka ma-transfer ko na sa account mo 'yung pang-enroll mo,” singit ni Froi. “Sorry kung hindi ka nakapag-enroll kaagad, ang dami ko kasing binayaran sa school. And I need to pay for the house we’re staying at.”

                Kaya pala kung anu-anong trabaho ang pinapasok ni Froi dahil siya rin ang nagpapaaral sa kapatid niya. Mukhang mayaman naman ang Tatay nila, bakit hindi sila humingi ng tulong do’n? Hindi ba sila binibigyan ng sustento? Anong klaseng lalaki siya?

                “Ma, we need to talk,” sabi ni Froi kay Tita Kat.

                Sinenyasan ako ni Josef na iwanan muna naming dalawa 'yung mag-ina. Lumabas kami at 'yung tatlong lalaki ay nasa labas pa rin. Hindi na namin sila pinansin ni Josef, naglakad na kami papunta sa elevator. Pagkabukas ng elevator, tahimik lang kaming sumakay hanggang sa makarating kami sa 3rd floor.

                “Gusto mo bang mag-swimming? I bet my family stressed you out,” aya niya sa akin.

                “Hindi ba dito ka nagtatrabaho?”

                “Yup. But that doesn’t mean hindi ako p’wedeng mag-swimming dito. They know who my father is. Matagal pang mag-uusap sila Kuya. You go change first. Hihintayin na lang kita sa baba.” Kinindatan niya muna ako bago siya pumasok ulit sa elevator.

                Mukhang mabait naman si Josef. Playful nga lang hindi katulad ni Froi. Tama nga si Cheska, complicated na tao si Froi. Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko malalaman kung sino siya. Wala akong idea kung sino si Mr. Zacarias. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang mga ito sa anak niya. 'Yung pagpapahanap niya kay Froi. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya kay Froi pero hindi ba niya maintindihan na ayaw sa kanya ng anak niya? Ang dami ko na namang pinaglalaban. Apektadong-apektado ako sa mga pangyayari.

                Bumalik na ako sa room ko. Una kong nakita ang phone ko kaya naisipan kong i-check kung may nagtext ba at tumawag. May text si Tita, Karl at Juan.

                Tita: Don’t forget the ball. See you later.

                Karl: No news about Froi. Stay safe.

                Hindi ko muna binuksan 'yung text ni Juan. Ni-reply-an ko muna 'yung dalawa. Hindi pa ako handang mabasa 'yung sagot ni Juan. Papatayin ko na sana 'yung phone ko pero hindi rin ako nakatiis, binuksan ko rin ang text ni Juan.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now